‘Mag-ingat sa botcha!’
NAGKALAT na naman ang mga tone-toneladang ‘botcha.’
Mga ibinebentang double dead meat sa mga pamilihan lalo sa mga wet market. Bago pa mabili ng mga parokyano, nauna nang pinag-pyestahan ng mga ipis at langaw.
All year round o walang pinipiling panahon ang pamamayagpag ng mga‘hot meat’ kung tawagin ng National Meat Inspection Service o NMIS.
Isa itong patagong industriya o underground industry kaya patuloy na namamayagpag sa merkado.
Sa mga naidokumento ng BITAG, may kaniya-kaniyang sign language o senyasan ang mga tindero at parokyano.
Alam din ng mga suki nila kung papaano ang kalakaran maging ang oras at pwesto ng mga inilalakong double dead meat.
Binibili nila ito hindi para ipakain sa kanilang pamilya kundi para ibenta at pagkakitaan.
Kadalasan, sila ‘yung mga nasa gilid-gilid ng mga lansangan na nagtitinda ng mga ihaw-ihaw o barbeque o ‘di naman kaya mga maliliit na karinderya sa mga terminal.
Ngayong kapaskuhan, asahan nang dadagsa pa ang mga ibinibentang botcha sa mga pamilihan.
Mataas ang mortality rate o bilang ng mga namamatay na alagang baboy sa malalaking pig farm ngayon dahil sa pabago-bago ng panahon.
Dala ng matinding init, marami ang nagkakasakit at namamatay. Dito, marami ang nagiging malikhaing trabahante sa mga piggery farm.
Sa halip na sunugin at ilibing ang mga patay na hayop, ang ilan nasisikmurang pakinabangan para kumita. Tumatawag ng mga kontratista na bibili ng mga patay na baboy.
Pinapaalalahanan ang mamimili lalo na ang mga ina ng tahanan, maging wais ‘Wag ipakipagsapalaran ang kapakanan ng inyong pamilya.
Abangan ang BITAG Live araw-araw na sabay na napapanood at napapakinggan tuwing alas 10:00-11:00 ng umaga sa Radyo5 92.3 News FM at AksyonTV. Para sa digital strea-ming, mag-log on sa bitagtheoriginal.com.
- Latest