5-taong gulang na batang lalaki nahuhulaan ang anumang naiisip o sinusulat ng kausap

HINDI ordinaryong bata ang limang taong gulang na si Ramses Sanguino ng Los Angeles, California. Isa siyang telepathic na kayang hulaan ang naiisip o anumang sinusulat ng sinuman.

Sa isang video na ginawa ng ina ni Ramses na si Nyx, ipinakita kung paano nahulaan ng bata ang iniisip ng kanyang ina. Lahat nang iniisip ng ina ay isa-isang sinabi ng bata.

Maliban doon, palihim na nagsulat ng mga numero ang ina ni Ramses at pinahulaan ito sa bata. Inisa-isang sinabi ni Ramses ang mga nakasulat na numero at tama lahat iyon.

Nang mapanood ng mga scientist ang video, nagkaroon sila ng interes at ngayon ay pinag-aaralan nila ang kakaibang abilidad ni Ramses.

Sabi ni Nyx, ang kanyang anak ay may “high functioning” form ng autism.

Sabi pa niya, noong 12 months pa lamang si Ramses, nakakapagsalita na ito ng English, Greek, at Japanese. Noong 18 buwan ito, kabisado na ang multiplication tables at pati na rin ang periodic table at lahat nang atomic numbers.

Show comments