^

Punto Mo

Maingay na paligid, masama sa kalusugan

MD - Dr. Willie T. Ong - Pang-masa

SA mga taong nakatira sa siyudad, marahil ay sanay na tayo sa ingay ng ating paligid. Maingay na sasakyan, makina, eroplano at tugtugan. Sa loob ng bahay ay maingay din ang vacuum cleaner, lawn mower, osterizer at mga balitaktakan ng kapitbahay.

Ngunit alam ba ninyo na may masamang epekto sa ating kalusugan ang palaging exposed sa matinding ingay? Oo, totoo po iyan. Ang mga taong laging nakaririnig nang malakas na tunog ay puwedeng magka-high blood, sakit sa puso, at mabingi.

Paano ito nangyayari? Ayon sa mga eksperto, itinuturing ng ating katawan na “masama” o “nakagugulo” ang mga ingay na ito. Tumataas ang lebel ng cortisol at epinephrine sa katawan at sa katagalan ay puwede itong magdulot ng mga sakit.

Ayon sa pagsusuri, kapag matagal tayong nahaharap sa lakas na 50 decibels ng ingay, ay puwedeng magkasakit sa puso at tumaas ang presyon. At kung exposed naman sa 85 decibels ng ingay sa loob ng 8 oras, ay puwedeng maging dahilan ng pagkabingi (mild deafness).

At hindi lang iyan. Kahit tayo’y natutulog ay “naririnig” pa rin ng ating utak ang mga ingay at kaluskos sa paligid. Tingnan ang listahang ito para malaman ang lebel ng ingay.

Paano iiwas sa ingay?

1. Umiwas sa maiingay na lugar.

2. Protektahan ang iyong bahay sa pamamagitan ng pagsara ng pintuan at bintana. Puwede din maglagay ng kurtina na makababawas sa ingay.

3. Gawing matahimik ang iyong kuwarto. Bumili at magsuot ng earplugs kung kinakailangan.

4. Sa mga gumagamit ng Ipod at radyo, bawasan ang volume.

5. Kung puwede, umiwas tumira sa mga lugar na malapit sa malaking kalsada, factory at daanan ng eroplano, tren at MRT.

6. Kung naiingayan na kayo, huwag mahiyang magtakip ng tainga o umalis na lang.

Kaya mga misis, huwag din masyadong sermonan si Mister at baka tumaas ang kanyang presyon at magkasakit pa sa puso. Mag-usap na lang ng mahinahon.

vuukle comment

ACIRC

ANG

AYON

BUMILI

INGAY

IPOD

KAHIT

KAYA

MAINGAY

MGA

PAANO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with