^

Punto Mo

Babae napuwing: Sa halip na eye drops, glue ang nailagay sa mata

MGA PANGYAYARING KAGILA-GILALAS - Arnel Medina - Pang-masa

HABANG may hinihipan sa isang dahon ng halaman si Katherine Gaydos, ng Lantana, Florida, may tumalsik na isang bagay sa kanyang kanang mata at napuwing siya. Kahit anong gawin, hindi niya maalis ang puwing at lalo lamang sumisiksik sa ilalim ng kanyang mata.

Agad na tinawagan ni Katherine ang isang kaibigan at humingi ng tulong. Mabilis namang nakarating ang kanyang kaibigan pero sa halip na eye drops ang dala nito, isang botelya ng glue ang nadala.

Agad pinatakan ang kanyang kanang mata ng inaakalang glue.

Ayon kay Katherine, naramdaman niyang kakaiba ang inilagay na eye drops. Parang nasusunog daw ang kanyang kanang mata. Pinilit niyang imulat ang mata pero hindi niya magawa dahil masyadong madikit ang glue.

Hanggang sa sabihin niya sa kaibigan na tumawag sa 911. Nalaman na ang nailagay sa mata ni Katherine ay glue na ginagamit sa sa pagkukulay ng fingernails. Binig­yan umano siya ng antibiotics at ointment ng doktor na tumingin sa kanya.

Lumipas ang isang linggo pero hindi pa rin maimulat ni Katherine ang kanyang mata. Wala naman siyang maibayad sa ospital kung magpapagamot.

Hanggang sa kumalat at maging usap-usapan ang kaso ni Katherine. Ininterbu siya ng media. Isang araw may tumawag na doktor kay Katherine at sinabing  sila na ang sasagot sa paggamot sa mata niya. Ayon sa doktor, kailangang makuha ang natira pang glue sa mata ni Katherine. Kaka-yurin daw iyon para maalis ang puwing.

Ang isang magandang balita, hindi naman grabeng naapektuhan ang mata ni Katherine. Hindi siya mabubulag.

Sabi pa ng doktlor na si Dr. Pankaj Gupta, assistant professor of ophthalmology sa Case Western Reserve University, kapag daw aksidenteng may tumalsik sa mga mata, huwag magpanic. Ang dapat gawin ay magtungo agad sa eye doctor para maisagawa ang nararapat sa mata. Ang mga eye doctor lamang ang maaaring magsagawa ng anumang operasyon sa mata.

At nagbigay pa ng payo si Gupta: “Huwag ilalagay ang glue malapit sa eye drops.’’

ACIRC

ANG

AYON

BINIG

CASE WESTERN RESERVE UNIVERSITY

DR. PANKAJ GUPTA

HANGGANG

ISANG

KATHERINE

KATHERINE GAYDOS

MATA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with