^

Punto Mo

EDITORYAL – Odd-even scheme at Highway Patrol Group

Pang-masa

DALAWA ang naisip na paraan ng pamahalaan para malutas ang grabeng trapik sa Metro Manila. Una ay ang pagpapatupad ng odd-even vehicle reduction program at ikalawa ay ang pagdedeploy sa PNP-Highway Patrol Group (HPG) para mangasiwa sa trapiko.

Si President Noynoy Aquino mismo ang nagpahayag ng odd-even scheme noong nakaraang linggo para malutas ang trapik sa Metro Manila. Ayon kay P-Noy, hahatiin ang bilang ng mga sasakyan base sa numero ng plaka. Salitan ng araw sa pagbiyahe. Ayon pa sa Presidente, tiyak na luluwag ang kalsada kapag naimplement ito pero agad din naman niyang sinabi na tiyak na marami ang aalma dahil hindi magagamit ang kanilang sasakyan.

Binalak nang ipatupad ng Metro Manila Development Authority (MMDA) ang odd-even scheme noong 2010 pero agad din itong itinigil dahil walang suporta mula sa local government units.

Kahapon, ang serbisyo naman ng HPG ang sinabing susubukan para magmantini ng trapik particular sa malalaking kalsada gaya ng EDSA. Kung HPG na ang mangangasiwa sa trapik, ano ang gagawin ng mga traffic enforcer ng MMDA? Maganda sana ang planong ito pero paano naman nakakasiguro na hindi rin gagawa ng kapalpakan ang HPG gaya ng MMDA. May mga MMDA enforcers na natatapalan ng pera ng mga may-ari ng bus company para makapagbaba at makapagsakay sa hindi tamang lugar. Mga “matitino” kaya ang taga-HPG na idedeploy o katulad din ng MMDA na nasanay na sa “lagay”?

Maaaring hindi rin magtagumpay ang dalawang balak para malutas ang trapiko. Malabo ang odd-even scheme sapagkat hindi naman nababawasan ang sasakyan sa kalsada. Kahit pa maging salitan ang pagbibiyahe, lilikha rin ng trapik dahil sandamukal ang mga bagong sasakyan. Sa pagdedeploy ng HPG, baka lalong magkabuhol-buhol ang trapiko.

Bakit hindi muna hulihin ang mga colorum bus sa EDSA upang mapaluwag ang trapik. Kung mababawasan ang 36,000 bus sa EDSA baka, malutas ang trapik. O kaya’y paigtingin ang paghatak sa mga sasakyang nakaparada sa bawat gilid ng kalsada. Kapag nawalis ang mga nakaparada baka lumuwag ang mga kalsada. Solb ang trapik. Mas madaling gawin ang mga ito kaysa subukan ang odd-even scheme at pagdedeploy sa HPG.

ANG

AYON

BAKIT

BINALAK

HIGHWAY PATROL GROUP

HPG

METRO MANILA

METRO MANILA DEVELOPMENT AUTHORITY

MGA

SI PRESIDENT NOYNOY AQUINO

TRAPIK

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with