^

Punto Mo

Dalawang anekdota

DIKLAP - Ms. Anne - Pang-masa

A. Paper clip

Pagkatapos ayusin ni Albert Einstein ang mga sinulat niya, humingi siya ng paper clip sa kanyang assistant. Sa malas ay isang paper clip na nakabaluktot pa ang nakuha ng assistant.

Prof ito lang ang nakita kong paper clip, baluktot..

Kinuha ni Einstein ang paper clip, kumuha ng plies at saka dahan-dahan itong itinuwid para mapakinabangan. Maya-maya ay napasigaw ang assistant:

Prof narito pala sa drawer ang isang box na paper clip!

Pero hindi kumikibo si Einstein at parang “kerid na kerid awey” sa kanyang ginagawang pagtutuwid ng nabaluktot na paper clip.

Muling nagsalita ang assistant:

Prof bakit itinutuwid mo pa rin yang baluktot, ayaw mo bang gamitin itong bagong paper clip?

Ganito talaga ako, basta’t inumpisahan ko, tatapusin ko  kahit ano pa ang mangyari.

B. Mandaraya

Si Martin Van Buren ang 8th President ng USA mula 1837 hanggang 1841. Gaano man siya kasikat noon araw, marami rin siyang “haters”. Noong eleksiyon sa pagkapangulo, ibang kandidato ang minamanok ng mga taga-Virginia. Siyam na boto lang ang kanyang natanggap mula sa nabanggit na lugar nang bilangin ang pangkalahatang  mga boto.

Dinaya si Martin Van Buren sa Virginia! sigaw ng kanyang mga supporters.

Walang katotohanan ‘yan ! sigaw naman ng mga residente. Sa katunayan hinahanap namin ang walanghiyang bumoto sa kanya nang siyam na beses !

ACIRC

ALBERT EINSTEIN

ALIGN

ANG

CLIP

DINAYA

LEFT

MARTIN VAN BUREN

PAPER

QUOT

SI MARTIN VAN BUREN

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with