^

Punto Mo

Manong Wen (251)

Ronnie M. Halos - Pang-masa

NANG oras ding iyon ay may hiniling si Mam Diana kina Princess at Precious.

“Puwede ba akong pumunta sa ating bahay? Nasasabik na akong makita ang dati nating bahay.’’

“Oo naman, Inay. Kailan mo gusto?’’

“Next week. May aayu­sin lang akong mga papeles para sa pinasisimulan kong condo sa may Cubao. Kapag naayos ’yun, uuwi tayo ng probinsiya para makita ang dati nating bahay.’’

“May ilan pong nabago sa ating bahay. Nagkaroon po ng extension sa likod. Yun po kasi ang ginawa kong lugar na pinaglulutuan ng puto. Nabago rin po ang bubong ng buong bahay. Bago po namatay si Papa noon ay pinilit niyang maipagawa ang extension at napalitan din ang bubong.’’

“Nagluto ka ng puto?’’

“Opo, Inay. Ang pagpuputo po ang ikinabuhay namin ni Precious mula nang mamatay si Tatay. Dahil din sa puto kaya napatapos ko ng high school si Precious at ako naman ay nakatapos din ng kolehiyo. Tinulungan din kami ni Jo. Si Jo kasi ay matalik na kaibigan ni Tatay sa Saudi.’’

Hindi makapagsalita si Mam Diana. Nakadama na naman­ siya nang pagsisisi kung bakit iniwan ang magkapatid noon. Pero kung hindi kaya nangyari iyon, giginhawa kaya ang kanyang buhay.

“Ano po ang balak mo sa ating bahay, Inay?’’ tanong naman ni Precious.

“Sa ngayon ay wala pa. Pero gusto ko manatili ang dating ayos niyon. Gusto ko ma­ging bakasyunan natin kapag nasa probinsiya. Siyanga pala, naroon pa ba ang ating mga lumang gamit gaya ng antigong baul – yung makintab na baul?’’

“Opo. Nandoon po ang mga papeles at ilang mga per­sonal na gamit ni Tatay. May mga picture din po doon. Naroon din po ang arnis ni Tatay.’’

“Matagal na ang baul na ’yun. Panahon pa raw ng mga Spanish ’yun.’’

“Kaya po pala ganun ang hitsura.’’

“Ipagsama natin si Jo sa pagpunta sa ating bahay,” sabi ni Mam Diana.

“Opo. Sasama po ’yun. Narito po rin siya --- nasa Makati.’’

“Mas mabuting kasama natin si Jo. Mabuting ka­ibigan si Jo. Mapagkakatiwalaan at matapat.”

“Kaya po sila nagkasundo ni Tatay. Sabi nga po ni Jo, si Tatay na kung tawagin niya ay Manong Wen ang tanging kaibigan niya sa Saudi. Wala raw pong hihigit sa kabaitan ni Tatay o ni Manong Wen.’’

MAKALIPAS ang isang linggo, umuwi na sa probinsiya sina Mam Diana, Princess at Precious kasama si Jo.

Masaya silang nagtungo sa lumang bahay nina Princess.

Habang masayang nag-uusap sina Jo, Princess at Mam Diana, hinalungkat ni Precious ang antigong baul.

Hanggang may makita siya.

“Ano ito? Tingnan n’yo dali!”

(Itutuloy)

ACIRC

ANG

ANO

BAHAY

INAY

KAYA

MAM DIANA

MANONG WEN

OPO

PERO

TATAY

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with