… pero hindi mo nahahalata
1. Tumatakbo ang iyong buhay nang mapayapa at walang alalahanin na baka maubos ang budget pero malayo pa ang suweldo . Maaaring hindi mo pa kayang bumili ng Rolex o iPhone 6 Plus pero secured ang kalooban mo na may pera ka hanggang sa susunod na suweldo.
2. Sa workplace, ibinubuhos mo ang iyong kakayahan nang hindi naghihintay na purihin ng mga bossing. Kasi sa kaibuturan ng iyong puso, MAGALING ka sa iyong trabaho! So…ang mga sipsip…B-O-B-O?
3. Hindi madrama ang iyong buhay. Bihira o hindi ka talaga nasasangkot sa awayan, intrigahan, tsismisan. Kung tahimik ang iyong buhay – sa bahay at sa trabaho – then, kuntento ka talaga sa iyong buhay.
4. Lagi mong pinaplano ang iyong gagawin – sa pamilya, trabaho at sa sarili.
5. “Uhaw na uhaw” kang madagdagan pa ang iyong nalalaman. Lagi kang naglalaan ng space for improvement sa iyong trabaho.
6. Marami kang kaibigan. At karamihan sa kanila ay successful din.
7. Mabait ka sa lahat ng tao. At nadadama mo na mabait din sila sa iyo. May mutual respect na umiiral sa circle of friends mo.
8. Lagi kang inspired na magtrabaho sa kabila ng imperfect situation sa iyong workplace – masungit na boss, inggiterang mga kasamahan sa trabaho, dami trabaho, liit ng suweldo, etc…
9. Naroon lagi ang pagnanasa na makatulong sa mahihirap kahit hindi ganoon karami ang iyong pera.
10. Alam mong magaling ka pero hindi ka mayabang.
11. Kapag nagkamali, pinipilit mong hindi na iyon mauulit.
12. Napakatiyaga mo. At napakahaba ng pasensiya.
13. Tumatanggi ka kung kinakailangan.
14. Hindi ka naninisi ng ibang tao.
15. Marunong kang mag-sorry.
“You’re not obligated to win. You’re obligated to keep trying. To the best you can do everyday.” — Jason Mraz