15 reminders para sa 2015
SA pagtatapos ng taong ito at sa pagsalubong sa panibago, baunin natin ang mga sumusunod na pangaral sa pangangalaga ng katawan. Naniniwala akong ang malusog na pangangatawan ay malaki ang dulot sa malinaw na pag-iisip, masayang buhay at magaang na pakiramdam.
1. Ang pag-eehersisyo ay mainam sa kaisipan.
2. Hindi lang taba ang natutunaw ng pagpapawis, kundi pati na rin stress.
3. Bagamat hapo ang pakiramdam pagkatapos mag-ehersisyo, ang pag-eexercise ay lalong nagbibigay ng enerhiya.
4. Madali lang maghanap ng oras sa pag-eehersisyo. Gawin ito.
5. Hindi lang muscles ang nabubuo kapag nag-e-exercise, kundi pati rin relationships. Dumarami ang mga nakikilala at nagiging kaibigan mo.
6. Maraming sakit ang naiiwasan sa regular na pag-eehersisyo.
7. Mainam sa puso ang exercise.
8. Ang pag-inom ng pineapple juice ay mainam para makaiwas sa sipon at trangkaso.
9. Kung nais mong mabawasan ang taba, bukod sa pag-eehersisyo, gawin din ang mga sumusunod: bawasan ang matatamis, bawasan ang white carbs (puting tinapay, puting kanin, pasta), uminom ng 2-3 litrong tubig araw-araw, kumain nang berde at madadahong gulay.
10. Uminom ng dalawang basong tubig pagkagising upang ma-activate ang organs. Uminom ng isang baso 30 minuto matapos kumain para mas madaling matunawan. Uminom ng isang baso bago maligo para pampababa ng presyon at isang baso bago matulog upang makaiwas sa atake sa puso.
11. Damihan ang luya sa pagkain. Pinipigilan ang pagsipsip at pag-imbak ng taba ng iyong katawan.
12. Lagyan ng paminta ang pagkain. Mainam sa metabolismo, tumutulong sa pagtunaw at pagsipsip ng nutrients.
13. Kumain ng agahan sa unang isang oras pagkagising.
14. Kumain ng avocado. Mas marami itong potassium kaysa saging. Mataas ang fiber kaya busog kaagad ang pakiramdam mo. Mainam sa mata, dugo at immune system.
15. Maging masaya. Kapag lagi kang malungkot at stressed, tataba ka dahil nag-iimbak ng taba ang stress!
- Latest