^

Punto Mo

Contest ng pagpapapayat sa Dubai, ginto ang premyo sa dami ng nabawas na timbang ng mga kalahok

MGA PANGYAYARING KAGILA-GILALAS - Arnel Medina - Pang-masa

ISANG paligsahan ng pagpapapayat ang ginanap sa Dubai kamakailan lamang at ipinangako ng mga nag-organisa nito na ginto ang premyo sa mga lalahok na makapagbabawas ng kanilang timbang.

Dalawang gramo ng ginto ang ibinibagay sa bawat kilong mababawas sa timbang ng kalahok. Tinatayang aabot sa 40 kilo ng ginto na katumbas ng $1.6 milyon na dolyar ang ipapamigay sa mga mananalo.

Dumagsa ang sumali sa contest. At nang matapos iyon, umabot sa 7,500 kalahok ang mapalad na nabigyan ng gintong premyo dahil sa nagawa nilang pagbabawas ng timbang.

Ang pamahalaan ng siyudad ng Dubai ang nakaisip ng kakaibang paligsahan na ito dahil sa tumataas na kaso ng obesity sa mga residente. Marami sa mga taga-Dubai ang naka-kotse kaya marami ang wala nang pagkakataon na makapaglakad lamang bilang ehersisyo sa araw-araw. Ang paligsahan na kanilang inorganisa ang isa sa naisip nilang paraan upang maikalat sa mga mamamayan ng Dubai ang kaalaman ukol sa lumalalaking problema ng katabaan.

Naging epektibo naman ang paligsahan sa layunin nito dahil marami sa mga kalahok ang sumali hindi lamang para sa gintong naghihintay sa mga mananalo.  Ayon sa kalahok na si Areefin Babu,  28, isang engineer mula sa India, sumali siya para na rin sa ikakabuti ng kanyang kalusugan. Nagawa niyang makapagbawas ng 20 kilo mula sa kanyang dating timbang sa loob lamang ng 45 araw.

Hindi ito ang unang beses na nagsagawa ng isang paligsahan sa pagpapayat ang pamahalaan ng Dubai. Naisagawa na rin ang isang katulad na paligsahan noong isang taon ngunit inaasahang mas marami ang mga kalahok at mananalo ngayong taong ito.

 

AREEFIN BABU

AYON

DALAWANG

DUBAI

DUMAGSA

MARAMI

NAGAWA

NAISAGAWA

TINATAYANG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with