^

Punto Mo

Manong Wen (117)

Ronnie M. Halos - Pang-masa

“BAKIT anong nangyari kay Precious?” tanong ni Jo.

“May ipinagtapat sa akin si Precious. Maaaring maka­tulong sa atin para madaling mahuli si Chester.’’

“Anong sabi ni Precious?”

“Halika sa kuwarto. Naka­rekober na siya. Gusto na niyang magsalita nang mga nangyari nung kidnapin siya.’’

“Mabuti naman.”

Tinungo nila ang silid na kinaroroonan ni Precious.

“Precious, ikuwento mo ang mga nangyari. Ano ang mga narinig mo sa dalawang kidnaper? Paano ka ba kinidnap?”

“Naglalakad ako kasama ang isang kaklase nang big­lang isang van ang biglang tumigil sa tagiliran namin. Biglang bumukas ang pinto at bigla akong hinaltak sa loob. Ang balak, pati ang classmate ko ay tatangayin din pero mabilis itong nakatakbo sa damuhan kaya hindi natangay. Mabilis na pinatakbo ang van sa highway.

“Narinig ko, dadaan pa sila sa isang school at ang maki­kitang dalagita na naglalakad ay tatangayin. Pero nagbago ang isip nang mga kidnaper nang makita ang police car. Hindi na itinuloy ang balak.’’

“Bakit hindi ka nagsisigaw?” tanong ni Princess.

“Nilagyan ng tape ang bibig ko. Naalis ko lang iyon nung nasa highway na.’’

“Saan ka raw dadalhin ng dalawang kidnaper?”

“Dito sa Maynila. Dun sa Bustillos na malapit sa isang bus station at simbahan. Dun daw ang hideout ng boss nilang si Chester.’’

“Bakit daw mga dalagita ang kinikidnap, Precious?”

“Iyon daw ang gusto ng mga foreigner. Mga Chinese­ at Japanese daw ang customer.”

“Marami na raw ki­nidnap?”

“Oo. Pawang nasa Bus­tillos daw. Si Chester daw ang nagdideliber kapag nag-order ang foreigner.”

“Hayop pala talaga.”

“Pero mga armado raw ang tauhan ni Chester. Pa­wang nakasumbrero na tulad kay Palos.’’

Nag-isip si Princess at Jo.

“Kaya pala yung na­kita nating lalaki ay naka­sumbrero. ’Yun pala ang pa­­latandaan.’’

Marami pang ikinuwento si Precious sa sindikato.

(Itutuloy)

vuukle comment

ANO

BAKIT

MARAMI

MGA CHINESE

PERO

PRECIOUS

SHY

SI CHESTER

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with