^

Punto Mo

Punongkahoy sa Africa, nagdudugo kapag pinutol!

- Arnel Medina - Pang-masa

ANG Pterocarpus angolensis ay isang klase ng puno na matatagpuan sa South Africa. Tinatawag din itong Bloodwood Tree dahil sa kakaibang katangian nito na kapansin-pansin kapag ito ay pinuputol.

Aakalain kasing may dumadaloy na dugo sa loob ng puno dahil sa kulay pulang likido na dadaloy sa naputol nitong bahagi. Parang naputol na parte ng isang hayop ang bahaging naputol sa Bloodwood Tree sa dami ng dugong dumadanak mula rito.

Ayon sa mga pag-aaral, ang kulay pulang likido na lumalabas kapag pinutol ang Bloodwood Tree ay dagta.

Dahil sa kakaibang kulay ng dagta ng Bloodwood Tree, ginagamit itong tina sa mga tela. Ginagamit din ito sa paggawa ng mga produktong pampaganda. Nakakatulong din daw ang dagta sa pagpapagaling ng mga sakit na may kinalaman sa dugo ayon sa mga paniniwala ng mga matatanda sa Africa.

Matibay ang Bloodwood Tree kaya madalas na ginaga­mit sa paggawa ng mga bangka at muwebles. Ito rin ang dahilan kung bakit inaasahang mauubos na ang mga Bloodwood Tree kung hindi pipigilan ang walang habas na pagputol sa mga ito.

AAKALAIN

AYON

BLOODWOOD

BLOODWOOD TREE

DAHIL

GINAGAMIT

SOUTH AFRICA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with