^

Punto Mo

‘Crime against person, crime against property’

BITAG - Ben Tulfo - Pang-masa

PATULOY na nagbibigay ng babala ang BITAG sa kolum na ito.

Tuwing “ber” months kasi tumataas ang mga index crime.  Ito ’yung mga insidente ng nakawan, panloloob walang habas na pagpatay, mga panghahalay at panggagahasa at iba pa.

Sa ganitong mga panahon din mas lalong aktibo at agresibo ang mga masasamang-loob sa kanilang aktibidades.

Ang mga “demonyo sa lupa,” kaniya-kaniya sa paghahasik ng lagim gamit ang kanilang mga estratihiya at taktika para makapambiktima.

Kuwidaw, baka kasi maisahan at ma-BITAG kayo ng mga putok sa buhong kriminal habang abala kayo sa mga paghahanda ngayong Kapaskuhan.

Bagama’t walang pinipiling panahon sa pagsasagawa ng kanilang aktibidades, inaasahan nang lolobo pa ang kriminalidad ngayong Christmas season.

Hindi garantiya ang anunsyo at sinasabi ng Philippine National Police (PNP) na pag-iigtingin nila ang pagbabantay ngayong “ber” months na ligtas na kayo sa mga kriminal.

Maliban kasi sa persepsyong “mapera” ang publiko, dala ng natutulog nilang pagnanasa, kapag nakahanap ng oportunidad, gagawa at gagawa sila ng krimen.

Gasgas at paulit-ulit nang All Points Bulletin ng mga awtoridad at BITAG sa publiko, laging maging ’ lerto, listo at mapagmatyag sa lahat ng pagkakataon.

’Wag hayaang mapasama sa estatistika ng mga nabibiktima ng mga masasamang-loob. Mag-ingat! Mag-ingat!

Abangan ang BITAG Live araw-araw na sabay na napapanood at napapakinggan tuwing alas-10:00-11:00 ng umaga sa Radyo5 92.3 News FM at Aksyon TV.

vuukle comment

ABANGAN

AKSYON

ALL POINTS BULLETIN

BAGAMA

GASGAS

PHILIPPINE NATIONAL POLICE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with