^

Punto Mo

Bata sa Norway, nakapaglakad ng 5 kilometro habang tulog

- Arnel Medina - Pang-masa

ISANG apat na taong gulang na batang babae sa Norway ang nakarating sa kabilang bayan matapos maglakad ng limang kilometro habang natutulog at ang suot lamang ay ang kanyang underwear at bota.

Takot na takot ang mga kamag-anak ng bata, na kinilala sa pangalang Thea, nang magising sila na wala ito sa kanyang kuwarto kaya agad silang tumawag sa mga pulis upang humingi ng tulong. Agad namang natagpuan ng mga pulis ang bata sa kalapit na bayan ng Honningsvag. Himala namang hindi naaksidente o nasaktan ang bata sa paglalakad nito sa kabila ng masamang panahon nang lumabas habang natutulog.

Ayon kay Thea, na­naginip siya na nasusunog ang kanilang bahay at ito ang dahilan kung bakit siya naglakad habang tulog.

Pagkalabas niya ng bahay ay narating ni Thea ang isang tunnel na nagdu­dugtong sa kalapit na bayan. Ito ang kanyang binagtas upang marating ang Honningsvag. Nakita siya ng mga papasok sa trabaho noong kasunod na umaga kaya siya madaling natunton ng mga naghahanap na pulis.

Ayon naman sa ina ni Thea ay hindi ito ang unang beses na naglakad ang bata habang tulog. Hindi na rin siya nagtataka na may ganitong pag-uugali ang kanyang anak dahil lahi na raw talaga ng kanilang pamilya ang pagla­lakad habang natutulog. Sa katunayan nga ay pati siya ay minsan na ring naglakad habang tulog.

vuukle comment

AYON

HABANG

HIMALA

HONNINGSVAG

NAKITA

PAGKALABAS

SIYA

THEA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with