^

Punto Mo

‘Panyo’

HINDI MALILIMUTANG KARANASAN - Ronnie M. Halos - Pang-masa

(PART 9)

ITINAGO ko ang puting panyo. Isinilid ko sa isang transparent na plastic at nilagay sa aking bag na ginagamit sa school. Araw-araw ay dala ko ang panyo. Umaasa pa rin kasi ako na makikita ang tsinitang estudyante na nagbigay sa akin ng panyo.

Halos araw-araw ay sa mismong lugar na pinag-abutan sa akin ng panyo ako nagdaraan. Kung anong oras ibinigay sa akin ang panyo ay ganunding oras ako nagdaraan.

Malakas ang paniwala ko na sa paligid lamang ng unibersidad nakatira ang babae. Maaring sa dormitoryong pambabae na nasa tapat ng unibersidad siya nakatira. Sa tingin ko, maykaya sa buhay ang estudyante. Baka may lahing Chinese.

Pero hindi ko na nakita ang babae mula noon. Hanggang sa mawala na siya sa isipan ko. Pero ang panyo na binigay sa akin, nananatili sa bag ko.

Mula nang itago ko ang panyo, maraming suwerte ang dumating sa akin. Nanalo ako sa mga contest sa school, naging editor ng school paper, napiling representative ng school para sa quiz game na ginanap sa Japan. Marami pang nangyaring maganda sa akin.

Hanggang dumating ang araw na nakaharap ko na ang babae. Hindi ako makapaniwala.

(Itutuloy)

PLASTIC

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with