^

Punto Mo

EDITORYAL - Delikado na!

Pang-masa

MULA nang salpukin ng train ng Metro Rail Transit ang barriers sa EDSA-Taft Station noong Agosto 14, at nag-overshoot, nagkasunud-sunod na ang mga aberya ng train. Para bang cancer na nayugyog at biglang kumalat ang sakit na hindi na mapigil ang pagkasira. Madalas nang tumigil ang mga train sa kalagitnaan ng biyahe at walang magawa ang mga dismayadong pasahero kundi ang bumaba at maghintay ng train. Mayroong train na umuusok na ikinatakot ng mga pasahero. Mayroong drayber ng train na pabigla-bigla kung magpreno kaya nauuntog ang mga pasahero. At marami pang ibang pangyayari na nagdudulot ng pagkainis at pagkagalit sa mga namamahala sa MRT. Bakit nangyayari ito sa pampublikong sasakyan na dapat ay minamantini nang maayos?

Ang matinding aberya na nararanasan ngayon sa MRT ay ang biglang pagbukas ng pinto nito habang tumatakbo. Delikado na ito! Ayon sa report, dalawang beses nangyari ang pagbukas ng pinto sa magkaibang train. Nangyari ang pagbukas ng pinto sa northbound train noong Martes ng hapon habang nasa kalagitnaan ng Taft at Magallanes Stations. Nang bumukas ang pinto, kusang tumigil ang train at manu-manong isinara ng drayber. Pero muli itong bumukas habang papalapit sa Ayala Station kaya pinababa na ang mga pasahero at inilipat sa ibang train.

Ang ikalawang MRT train na nagbukas din ang pinto ng araw ding iyon dakong 8:45 ng gabi ay naganap naman habang nasa pagitan ng Boni at Guada-lupe Stations. Biglang bumukas ang pinto at ayaw na itong magsara kaya pinababa rin ang mga pasahero.

Delikado na ito. Paano kung maraming pasahero sa pintuan at nagkataong nasa mataas na posisyon ang train, o kaya’y pakurbada, maaaring may mahulog at may mamatay.

Nasa 500,000 ang pasaherong sumasakay sa MRT araw-araw. Tinitiis nila ang mahabang pila makasakay lang sapagkat ito lamang ang transport system na mabilis makarating sa paroroonan. Hindi ito natatrapik.

Bakit hindi agarang isaayos para maserbisyuhan ang publiko. Maawa naman sa commuters na kalbaryo na ang nararanasan sa pagsakay. Naniniwala kami na napapabayaan na ang MRT. Hindi na sumasailalim sa regular maintenance kaya naglalabasan na ang depekto.

Huwag nang hintayin na may mangyari pang malagim sa MRT bago kumilos ang mga nasa puwesto. Palitan na ang mga bulok na train at mas maganda kung pati ang mga palpak na drayber!

 

vuukle comment

AGOSTO

AYALA STATION

AYON

BAKIT

DELIKADO

MAGALLANES STATIONS

MAYROONG

TAFT STATION

TRAIN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with