LUBOG o LANGOY?
Ito ang dalawang bagay na pinagpipilian ng mga taong may malubhang karamdaman. Aahon ba papunta sa sikat ng araw… sa pampang o tuluyan ng magpapalamon sa lakas ng alon ng dagat? Kasama ang Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) at ang programa nito sa radyo ang “PUSONG PINOY” ng DWIZ882 KHZ, hosted by Atty. Jose Ferdinand Rojas II o Atty. Joy, Acting Chairman and General Manager ng PCSO at Monique Cristobal sa pag-ahon sa mga pasyenteng nasa pusod ng paghihirap. Sa loob ng mahigit tatlong taon, ang programang “PUSONG PINOY” ay patuloy na tumutulong sa mga may sakit na ‘di makapagpagamot. “Mapabata o matandang pasyente handa kaming tumulong para mabawasan ang bigat ng kanilang dinadala,” ani Atty. Joy. Tampok namin ngayon sa aming pitak ang mga dokumentong kinakailangang kompletuhin ng mga pasyente para mapabilis ang proseso ng kanilang paghingi ng tulong sa PCSO. Ito ay ang mga sumusunod.
PARA SA MGA KAILANGANG GAMOT:
l Personal na liham (Personal Letter Request) na naka-‘address’ sa Acting Chairman and General Manager ng PCSO, Atty. Joy.
l Original/Certified True Copy ng updated Medical Abstract o kaya’y Medical Certificate na pirmado ng doktor with license at PTR number.
l Prescription ng kailangang gamot. Siguraduhing may nakalagay na pangalan, pirma at license number ng doktor.
l Opisyal na Price Quotation (presyo) ng gamot galing accredited pharmacy o supplier ng PCSO.
PARA SA CHEMODRUGS, kailangan din ng personal na lihim, updated Medical Abstract, Prescription at Price Quotation ng gamot na kakailanganin.
l Original Treatment Protocol na pirmado ng doktor kalakip ang kanyang license number.
l Resulta ng ‘biopsy’.
PARA SA DIALYSIS, maliban sa personal na request letter, updated Medical Abstract kailangang din naman ng:
l Original at Official Price Quotation ng Hemodialysis per session galing at pirmado ng representative ng ospital o dialysis center. (Ganun din sa Pertonial Dialysis)
l Endorsement galing sa Hospital Social Service o Certificate of Acceptance of PCSO guarantee letter (if necessary).
PARA SA WHEELCHAIR:
l Kailangan ng isang larawan (whole body shot) ng pasyente.
l Tatlong (3) Official Price Quotations galing sa iba’t-ibang supplier na may kompletong pangalan at pirma ng ‘representative’ ng kumpanya.
Kailangan din ng Personal Letter Request at original/Certified true copy ng Updated Medical Abstract o Medical Certificate.
PARA SA PAGPAPAOSPITAL (HOSPITALIZATION):
l Statement of Account/Hospital Bill na sertipikado ng billing officer o credit and collection officer na may kumpletong pangalan at pirma.
l (Kung Charity/Service Patients)Kinakailangan ng Endorsement letter galing sa Social Service ng ospital.
l (Para sa Private Patients ng selected hospitals) Endorsement letter galing sa Credit and Collector officer.
Kailangan din ng Personal Letter Request at original/Certified true copy ng Updated Medical Abstract o Medical Certificate.
PARA SA LABORATORY & DIAGNOSTIC PROCEDURE: kailangan ng Personal Letter Request naka-address sa General Manager ng PCSO, Updated Medical Abstract at ang mga sumusunod:
l Request para sa laboratory/diagnostic procedure pirmado ng doktor with license & PTR number at kumpletong pangalan.
l Official Price Quotation ng kinakailangang ‘procedure’ galing sa ospital na may kumpletong pangalan at pirma ng representative ng ospital.
l Endorsement letter galing sa Hospital Social Service o Certificate of Acceptance of PCSO guarantee letter (kung kinakailangan).
PARA SA IMPLANT O PROSTHESIS, kailangan din ng Personal Letter Request at original/Certified true copy ng Updated Medical Abstract o Medical Certificate.
l Specification of Implant/Prosthesis na may kumpletong pangalan, pirma at license number ng doktor.
l Three (3) Official Price Quotations galing sa iba’t ibang suppliers o kumpanya na may kumpletong pangalan at pirma ng representative nito.
l Certificate of Acceptance of PCSO guarantee letter (kung kinakailangan).
PARA SA HEARING AID: kailangan lang ng Audio logical Evaluation na pirmado ng isang Audiometrist, Tatlong (3) Official Price Quotations na may pangalan at pirma ng representante ospital. Kailangan galing din ito sa magkakaibang supplier o kumpanya at ang panghuli ay ang Personal Request Letter para kay Atty. Joy. Sa unang tingin mukhang mahirap intindihin ang mga binanggit naming subalit nandito kami sa “PUSONG PINOY” para kayo’y asistehan at bigyan kayo ng ‘referral letter’ para mas mapabilis ang tulong na hinihiling ninyo sa PCSO. Ipapaliwanag namin sa inyo ang mga bagay na inyong kakailanganin. Lubhang napakahaba ng pila ng taong lumapit sa PCSO. Dito sa aming programa magkakaroon kayo ng pagkakataon hindi lamang para madinig mismo ni Atty. Joy Rojas sa tulong ng kanyang Co-Host na si Monique Cristobal ay mas iikli ang panahon ng inyong paghihintay. Kung ‘di man maibibigay ang lahat ng inyong kahilingan mabibigyan pa rin kayo ng sapat na tulong at malaking ambag para sa pasanin na inyong dinadala. SA GUSTONG LUMAPIT SA PCSO, para sa pangangailangang medikal pumunta lang sa tanggapang ng “PUSONG PINOY” sa 5th floor City State Centre bldg. Shaw Blvd., Pasig. Mula Lunes-Biyernes.
Mapapakinggan ang mga iba’t-ibang istorya ng mga pasyenteng lumapit sa programang “PUSONG PINOY” sa radyo tuwing SABADO mula 7:00-8:00 AM sa DWIZ 882 KHZ, AM BAND. (KINALAP NI MONIQUE CRISTOBAL) SA MGA BIKTIMA NG KRIMEN o may problemang ligal magpunta sa 5th floor City State Centre bldg. Shaw Blvd., Pasig. O mag-text sa 09213263166, 09213784392, 09198972854. Landline 6387285 / 7104038. O mag-message sa www.facebook.com/tonycalvento