^

Punto Mo

Uok (221)

Ronnie M. Halos - Pang-masa

“KAPAG ipinakita ko ang pisngi ng birhen, baka matuliro ka at hindi mo na matapos ang Law. At kapag hindi mo natapos ang Law, nasira ang pangarap mo at pati na ang sa Daddy mo. Di ba sabi mo, proud na proud ang Daddy mo nang nasa Law school ka na. Talagang pangarap niyang magkaroon ng anak na lawyer. Sisirain mo ba yun, Drew?’’

Umiling si Drew.

“Kung ganoon, huwag mo na munang hilingin na makita ang pisngi ng birhen ngayon. Kapag nakatapos ka na at nakapasa sa Bar exam. Hindi mo lang basta masi­silip ang pisngi ng birhen kundi makukuha mo pa.’’

“Baka malasahan ko pa?” tanong ni Drew.

Napahagikgik si Gab. “Oo. Malalasahan mo pa,’’ sabi nito at tinampal si Drew sa braso.

“Mabilis namang lumipas ang panahon. Maya-maya lang tapos ka na ng Law at nagre­rebyu na para sa Bar.’’

“Sige, kumbinsido na ako Gab. Saka ko na lang sisi­lipin at lalasahan ang pisngi ng birhen. Pag-aaral muna ang aatupagin ko.’’

“Ganyan nga, Drew. At habang abala ka sa pag-aaral, lalo ko pang pagbubutihin ang pagma-manage sa ating negosyong Uokcoco pesticides. Gusto ko mabigyan ng trabaho ang mga tao rito sa barangay. Napansin ko kasi, maraming walang trabaho rito at ang ilan ay umaasa lamang sa kanilang mga anak na hindi rin naman kagandahan ang buhay. Kapag nabigyan ko sila ng trabaho, uunlad ang kanilang buhay at hindi na sila magugutom.”

“Aba ang ganda ng vision mo Gab. Hindi kaya kuman­didato kang barangay chairman dito?’’

Nagtawa lamang si Gab.

GANOON nga ang nangyari. Sinunod ng dalawa ang plano. Maayos na naisagawa ang lahat. Nag-concentrate si Drew sa pag-aaral at si Gab ay pinaunlad pa ang Uokcoco pesticides. Marami siyang nabigyan ng trabaho. Marami ang nakinabang.

Hanggang sa dumating ang hinihintay nila. Nakapagtapos si Drew ng Law at nang taon ding iyon ay kumuha ng Bar exams. Sumunod na taon, nang lumabas ang Bar results, isa siya sa nakapasa.

“Pasado ako Gab! Pasado ako!”

“Salamat sa Diyos! Na­tupad na ang plano natin, Drew!”

(Itutuloy)

DIYOS

DREW

GAB

GANYAN

HANGGANG

KAPAG

MARAMI

PASADO

UOKCOCO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with