^

Punto Mo

Pagkontrol sa diabetes

MD - Dr. Willie T. Ong - Pang-masa

KUNG ikaw ay may nararamdamang pamamanhid, laging uhaw, madalas umihi, o namamayat, magpa-check sa diabetes. Lalo na kung may lahi ka ng diabetes, dapat suriin ang iyong asukal sa dugo. Kapag ang blood sugar ay higit sa 105 mg/dl pagkatapos ng 10 oras na hindi pagkain (fasting blood sugar), nangangahulugang may diabetes ka na. Sorry po.

Ang ibig sabihin nito ay 20-50% ng iyong mga selula sa pancreas ay nasira na ng diabetes. Gagaling pa ba ito? Hindi ito maipapangako ng doktor, pero maaari pang maisalba ang mga gumaganang parte ng pancreas.

Simple lang ang gamutan sa diabetes. Una, magdiyeta at mag-ehersisyo. Bawal ang matataba at matatamis. Umiwas sa soft drinks, iced tea at mga juice. Magtubig ka na lang. Mag-ehersisyo ng regular para pinapawisan.

Pangalawa, kung mas mataas pa sa 125 mg/dl ang iyong fasting blood sugar ay puwede nang magsimula ng gamot. Marahil ay hindi na makukuha sa diyeta iyan.

May mga mura, mabisa at epektibong gamot sa diabetes. Ito ay ang (1) Metformin 500 mg na tableta, mula 1 hanggang 3 tableta sa maghapon; (2) Gliclazide 80 mg na tableta, mula 1 hanggang 3 tableta sa maghapon. Ang pag-inom ng gamot ay depende sa taas ng blood sugar. Mga P5 lang ang bawat isang tableta. Mas mura ang gamot sa generics na botika.

Sa pamamagitan ng dalawang gamot na ito, dapat mapababa na natin sa normal na lebel ang iyong blood sugar. Ang layunin natin ay mas bumaba pa sa 105 mg/dl ang iyong fasting blood sugar, at bumaba sa 140 mg/dl kung ika’y nakakakain na.

Kung hindi mo tututukan ang iyong blood sugar, ay mapapabilis ang pagdating ng komplikasyon nito. Mamamanhid ang paa at kamay. Lalabo ang mga mata. Hindi na kayang mag-sex. Masisira ang ugat ng puso. At sa huli, mapuputol ang paa at masisira ang mga bato. Puwedeng umabot sa dialysis at pagkamatay.

Hindi biro ang sakit na diabetes. Huwag basta maniwala sa mga advertisement at supplements sa diabetes. Ang dalawang binanggit kong mga gamot ang pinakamabisa at pinakasubok na gamot sa diabetes. Sigurado pong hahaba ang buhay ninyo sa mga gamot na ito. Kumunsulta sa inyong doktor.

BAWAL

BLOOD

DIABETES

GAGALING

GAMOT

GLICLAZIDE

HUWAG

SUGAR

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with