^

Punto Mo

Kilos na ngayon

KWENTONG PALASYO LARGABISTO - Ely Saludar - Pang-masa

PATULOY na lumalala ang kaguluhan sa Iraq at kapag natuloy ang balak ng U.S. na maglunsad ng air strikes, tiyak na lulubha ang sitwasyon at magkakaroon ng epekto sa ating bansa.

Ang  posibilidad na epekto ay ang pagtataas sa presyo ng produktong petrolyo na maaaring maka-epekto sa mga pangunahing bilihin.

Dapat ay pinaghahandaan na ito ng gobyerno at agad kumilos upang hindi maging mabigat ang epekto nito at huwag na ring gumulo pa ang sitwasyon sa bansa.

Sana, inilalatag na ng gobyerno sa publiko ang mga gagawing hakbang nito sakaling tumaas ang presyo ng produktong petrolyo sa world market na eepekto sa Pilipinas. May ilang opisyal kasi ng gobyerno na pilit itinatago sa Presidente ang tunay na problema at puro magagandang balita lamang kaya kapag sumambulat ang problema ay malala na.

Isang halimbawa ay ang kapalpakan ni Agriculture secretary Proseso Alcala sa problema sa peste sa niyog o coco-lisap. Dalawang taon mula nang mapabalita ito subalit hindi inaksiyunan hanggang sa lumala.

Hindi rin maipaliwanag ni Alcala kung bakit biglang tumaas ang presyo ng bawang, bigas at luya at iba pang pangunahing bilihin. Ang nakapagtataka ay kung bakit tumaas ang presyo ng bigas samantalang kakatapos lang ng anihan at mayroon namang importasyon ng bigas.

Huwag nang hintayin pa ng ilang opisyal ng gobyerno na sila ay atasan pa ni P-Noy. Gawin ang kanilang tungkulin para maresolba ang problema. Masyado kasing mabait si P-Noy sa kanyang mga tauhan at hindi nito magawang deretsahang sibakin sa puwesto tulad ni Alcala.

Kung malakas lang ang pakiramdam ni Alcala, may senyales na ang Presidente na dapat magkusa na siyang magbitiw sa puwesto dahil itinalaga na si dating senador Kiko Pangilinan bilang food security czar.

ALCALA

DALAWANG

DAPAT

GAWIN

HUWAG

ISANG

KIKO PANGILINAN

MASYADO

P-NOY

PROSESO ALCALA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with