SA isang liblib na bayan sa Ecuador, may tribu ng mga unano na kung tawagin ay Laron Dwarves. Sa unang tingin, wala silang pinagkaiba sa ibang unano pero matapos silang mapag-aralan ng mga siyentista, napag-alaman na may malaki silang kalamangan sa mga taong nasa hustong sukat --- sila ay hindi nagkaka-cancer.
Ang siyentista na si Dr. Jaime Guevara-Aguire ay pinag-aralan ang mga Laron Dwarves nang halos tatlong dekada. Sa maraming taon ng kanyang pagsusuri at pag-aaral sa mga unano, isa lang sa mga ito ang nagka-cancer at iyon ay isang klase ng cancer na hindi nakakamatay.
Kagila-gilalas ang natuklasan ng doktor dahil hindi rin naman maayos ang pamumuhay ng mga unano na kanyang pinag-aralan. Marami sa kanila ay obese at ang ilan pa ay mga lasenggo. Sa kabila nito, mahahaba pa rin ang buhay ng Laron Dwarves.
Ang pagkakaroon nang mahabang buhay at ang kakayahan ng mga Laron Dwarves na hindi dapuan ng cancer ang nagtulak kay Dr. Guevara na tuklasin ang kanilang sekreto na maaring maÂging susi sa pagtuklas ng isang gamot na pipigil sa cancer.
Ayon sa mga pag-aaral na isinagawa sa Laron Dwarves, kulang ang mga unano sa hormone na tinatawag na Insulin-like Growth Factor 1 o IGF-1. Ang kakulangan sa IGF-1 na ito ang dahilan kung bakit sila ay hindi na tumangkad ngunit ito rin ang sikreto nila kung bakit hindi nagkaka-cancer. Isa kasi ang IGF-1 sa mga dahilan kung bakit dumadami ang cancer cells sa katawan ng isang tao at ang kawalan nito sa katawan ng Laron Dwarves ang nagbigay sa kanila ng kakayahan na hindi magka-cancer.
Umaasa si Dr. Guevara na magagamit niya ang natuklasan sa mga unano para maka-deveÂlop ng gamot laban sa cancer.