^

Punto Mo

Uok (140)

Ronnie M. Halos - Pang-masa

“T ALAGANG lasing na si Osang. Bra naman ang inalis. Nga­yon lang ako nakakita ng babaing kapag nalasing ay wild na at naghuhubad. Totoo nga na lumalabas ang totoong ugali ng isang tao kapag lasing,” pagkukuwento ni Basil.

“Pero wala po siyang sinasabi kung bakit ginagawa iyon,’’ tanong ni Drew.

“Wala naman. Basta nakangiti lang siya na parang nang-aakit. Para bang siya yung babaing nasa stage ng isang KTV bar at unti-unting naghuhubad.’’

“Trip lang po kaya niya?’’

“Siguro.’’

“Ano pa pong nangyari?’’

“Nang alisin niya ang bra, nakita ko ang itinatago. Talagang buung-buo pa. Parang sa dalaga pa. Siguro nga’y dahil sa wala ang asawa niya at nasa Saudi kaya hindi napapakialaman.

“Ang sunod na ginawa niya ang nagbigay sa akin ng lakas ng loob para ibigay ang kailangan niya. Nalaman ko na talagang uhaw si Osang. Kasi’y hinalikan niya ako sa labi. Mainit na mainit. Yun bang halos tigang ang labi dahil sa sobrang kauhawan. Para bang noon lang nakalaya ang labi niya. At ako naman na nasa kasiglahan ng mga panahong iyon ay ipinagkaloob ang kailangan niya. Lalaki naman ako kaya hindi ko nakayang pigilin ang sarili kahit na may kaba dahil baka may taong dumating. Bahala na kung ano ang mangyari, tutal naman at si Osang ang nagpakita ng motibo­. Mahirap nang tumanggi sa babaing ipinagkakaloob ang sarili.

“Nangyari ang mga ini­isip ko. Uhaw nga si Osang. Parang disyerto na noon lamang naulanan. Sa isang iglap na ulan, napuno ang kasuluk-sulukan.

‘‘Nang matapos ang alimpuyo, nakangiti si Osang at mga ilang saglit lamang ay himbing na siya. Ako man ay nahimbing din sa tabi ni Osang.

‘‘Nang magising ako ay nakatunghay sa akin si Osang. Kakain daw kami. Nagluto raw siya. Napansin ko na nagpalit na ng damit si Osang. Parang bagong paligo dahil mamasa-masa ang buhok.

‘‘Niyaya niya ako sa kusina. Nakahanda na raw ang mesa. Sumama ako sa kanya. Inakbayan ko siya. Nasamyo ko ang maba­ngong katawan ni Osang.’’

(Itutuloy)

vuukle comment

AKO

ANO

BAHALA

INAKBAYAN

ITUTULOY

NANG

NIYA

OSANG

SIGURO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with