‘Bgy. Calapacuan revisited’
HINDI na bago sa BITAG ang Barangay Calapacuan sa Zambales.
Taong 2010, nilusob ng PDEA, Philippine Coast Guard at BITAG ang bagsakan ng droga at shabu sa nasabing barangay. Naaresto ang ilan sa mga personalidad na nasa order of battle ng PDEA.
Talamak ang bentahan ng ilegal na droga sa lugar. Dinadayo ng mga parokyano ang bente pesos kada session na inaalok ng mga maliliit na shabu tiangge.
Ayon kay dating PDEA Director General Dionisio Santiago, ang lokasyon at pisikal na itsura ng Barangay Calapacuan ay nagsisilbing kakampi ng mga sindikato ng ilegal na droga.
“High Risk†na naituturing ang lugar kung saan dikit-dikit ang mga bahay at sala-salabat ang eskinitang daanan papasok sa looban.
Makalipas ang mahigit tatlong taon, muling binalikan ng PDEA at BITAG ang Barangay Calapacuan Subic, Zambales.
Target ng mga operatiba ang isa sa mga notoryus na nagpapakalat ng droga sa lugar.
Kakaiba ang hamon na haharapin ng mga awtoridad sa pagkakataong ito. Wala silang mukha ng sabjek na drug dealer. Tanging address lamang ng bahay ang pinanghahawakan ng mga operatiba ayon na rin sa hawak nilang search warrant.
Panoorin ang matensyong operasyon ng PDEA Region 3, PDEA Special Enforcement Services, Zambales SWAT team, Philippine Army at BITAG.
Abangan ang advance screening ng “Barangay Calapacuan Revisited†mamayang alas-8:00 ng gabi sa bitagtheoriginal.com.
- Latest