EDITORYAL - Isara ang ‘worst performing teacher schools’
HINDI na dapat hayaang mag-operate ang teacher schools na wala pang nakakapasa sa Licensure Examinations for Teachers (LET). Ayon sa report, 140 teacher schools sa bansa ang kulelat sa LET. Mayroong 1,200 teacher schools sa buong bansa. Noon pa ipinasasara ang mga kulelat na teacher schools subalit mayroon pa ring nag-ooperate sa mga ito at patuloy na nagpo-produce ng graduates na hindi naman makapasa sa LET.
Ayon sa report, ang “worst performing teachers schools†ay patuloy na tumatanggap ng mga estudyanÂte para sa education courses sa kabila na pinasasara na ito. Karamihan sa mga school na ito ay nakapag-post lamang nang mababa pa sa 20 percent passing rate sa LET mula 2009 hanggang 2013.
Ayon sa pag-analisa ng Philippine Business for Education (PBEd) karamihan sa “worst performing teacher schools†ay matatagpuan sa Mindanao. Mayroon ding ilang school sa Visayas at Luzon particular sa Metro Manila. Patuloy umanong nag-ooperate ang mga eskuwelahan sa kabila nang panawagan na isara na. Mayroon pa raw patuloy na inilalaban ang pagpapasara sa kanila. Ang ilan din sa mga school na kulelat ay hindi na makontak dahil nagpalit na raw ng phone numbers.
Dapat sumunod ang mga mahihinang school sa utos upang hindi na mahikayat pang mag-enrol ang mga estudyante na nagnanais maging guro. Sayang lang ang gagastusin ng mga magulang sapagkat hindi naman makakapasa ang kanilang anak. Ang school na hindi makapag-produce ng mga kuwalipikadong guro ay hindi na dapat hinahayaang tumanggap ng mga estudyante.
Dapat kumilos ang Commission on Higher Education (CHEd) sa mga “worst†teacher schools. Ipasara na ang mga ito at huwag hayaang makapag-operate sa susunod na school year.
- Latest