^

Punto Mo

Uok (83)

Ronnie M. Halos - Pang-masa

“P INAPASOK ako ni Pacita… walang namagitang salitaan sa amin. Tingin lang ay nagkaintindihan kami. Nakita ko sa kilos niya na nangangailangan siya at ako namang nasa kainitan ng panahong iyon ay handang ibigay ang pangangailangan ng kanyang katawan. Sa tingin ko, walang tutol na maririnig kay Pacita kahit ano ang gawin ko sa kanya.

“Nang itodo niya ang bukas sa pinto, lalong lumakas ang loob ko na ibigay ang kanyang hinahangad. Hindi ko sasayangin ang pagkaka­taon sapagkat bihirang mangyari na ang isang mahalagang bagay ay ipagkakaloob nang walang kahirap-hirap…’’ tumigil sa pagsasalita si Basil.

“Ano po ang sumunod na nangyari, Sir Basil?”

“Censored na, Drew. Maselan. Alam ko, wala ka pang alam sa ganito. Wala ka pang karanasan. Baka…hindi mo maitindihan.’’

“Okey lang po Sir Basil… naiintindihan ko, wala naman akong nakikitang masama.’’

“Sige, Drew. Alam ko, matalino ka. At ang isang matalinong gaya mo ay dapat malaman ang mga nangyari bago maghusga. May nag­huhusga kasi sa akin na ako raw ang dapat sisihin sa mga nangyari…’’

Napatangu-tango si Drew. Naalala niya si Tiyo Iluminado na inaakusahan si Sir Basil alyas “Uok” na mapanira. Hi­nusgahan kahit hindi alam ang tunay na pangyayari.

“Dapat mo ngang malaman na hindi lang ako ang may gusto at nangyari ang pagtatalik namin ni Pacita. Hindi ko siya pinilit para para maganap ang pagtatalik. Kusang ipinagkaloob ni Pacita ang pagkababae niya.

“Wala akong narinig na pagtutol sa kanya nang alisin ko ang kapiranggot na takip ng kanyang pagkababae at igawad doon ang kanyang pinaka-mimithi. Napatunayan ko na talagang nangangailangan si Pacita. Uhaw na uhaw siya. Para bang halaman sa paso na nang buhusan ng tubig ay madaling nasipsip at kailangang diligin uli.

“Palagay ko, nangulila si Pacita sa asawa kaya ganoon siya ‘kauhaw’. Baka kaaalis lang ng asawang seaman at pagkaraan pa ng siyam na buwan saka siya uli madidiligan.

“Ipinagkaloob ko kay Pacita ang hinahangad niya. Kumbaga, umaapaw ang ginawa kong pagdidilig. Sobra-sobra. At alam ko, natighaw ang nadaramang uhaw ni Pacita. Kasi’y nakangiti na siya nang buong tamis makaraan ang hindi malilimutang pagsasalo.

“Sumubsob pa siya sa dibdib ko. Hinalik-halikan iyon. At nang sabihin ko na aalis na ako, sabi niya, bu­malik daw ako bukas. Hindi agad ako nakasagot. Kasi’y pang-isang session lang ako. Wala nang kasunod. Pero pinilit ako. Hihintayin daw niya ako. Magagalit daw siya kapag hindi ako dumating. Ganito ring oras. Hihintayin daw niya ako…’’

“Dumating ka Sir Basil? Bumalik ka uli sa bahay ni Pacita?”

Napangiti si Basil.

(Itutuloy)

 

AKO

ALAM

HIHINTAYIN

NIYA

PACITA

SIR BASIL

SIYA

WALA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with