‘Bayarang hukom’
NITONG mga nakaraang linggo, naging sentro ng programa ko sa BITAG sa Radyo at sa mga kolum ang masalimuot na isyu ng rice smuggling.
Kaliwa’t kanan ang pagpupuslit ng bigas sa bansa na walang kaukulang import permit mula sa National Food Authority. SuÂbalit sa kabila nito, pinaboran ng Davao Regional Trial Court ang apela ng isang Joseph Ngo noong nakaraang linggo.
Sa bisa ng Temporary Restraining Order na inisyu ng hukom sa lugar, nailabas niya ang mga bigas na nasabat ng Bureau of Customs. Ito ang kinukuwestyon ngayon ng Korte Suprema. Pinagpapaliwanag ang naging desisyon ni Judge Emmanuel Carpio sa pagbibigay nito ng TRO.
Hindi na bago ang ganitong mga insidente. Estilo ito ng mga smuggler, ang tumakbo sa mga local court, kukuha ng TRO para maisalba ang kanilang negosyo. Dati pa man, dahil sa talamak nang smuggling cases sa bansa, iminungkahi na ng BITAG ang pagkakaroon ng special court.
Ito ang tututok, sisilip at mag-aaksyon sa lahat ng mga kaso na may kinalaman sa customs duty, mga buwis at taripa. Lahat ng mga pumapasok na produkto mula sa iba’t ibang bansa, obligadong sumailalim dito.
Pero, dahil wala pang specialized court, sinasamantala ngayon ng mga kawatang smuggler ang kahinaan ng gobyerno. Kapag naharang ng mga awtoridad ang kanilang mga kontrabando, tatakbo agad sila sa mga RTC. Ito namang hoodlums in robes o mga nababayarang hukom, isyu agad ng TRO.
Kayong mga hukom, sa susunod na puntahan kayo ng mga smuggler, siguraduhing alam ninyo ang kaso at may nangyaring pagdinig muna sa magkabilang panig. Tulad ng sitwasyon ngayon, nalalagay sa alanganin si Davao RTC Judge Carpio at pinagpapaliwanag ng Korte Suprema sa bara-bara niyang desisyon.
- Latest