^

Punto Mo

Lalaki, araw-araw dinalaw ang libingan ng asawa sa loob ng 20 taon!

MGA PANGYAYARING KAGILA-GILALAS - Arnel Medina - Pang-masa

NANG mamatay ang asawa ni Rocky Abalsamo noong 1993, pakiramdam niya ay namatay na rin siya. Nagsama ng 55 taon sina Rocky at asawang si Julia at masyadong nalungkot ang lalaki nang mawala ang asawa. Namatay si Julia dahil sa kumplikasyon makaraang operahan sa puso.

Mula nang mamatay ang asawa, araw-araw na dinalaw ni Rocky ang libingan nito sa St. Joseph Cemetery sa West Roxbury, Massachusets sa loob ng 20 taon. Kahit na masama ang panahon, hindi siya pumapalya sa pagdalaw sa libingan ng asawa. Nakaupo siya at pinagmamasdan ang libingan ni Julia. Nakakalimutan niyang kumain o uminom habang nagbabantay sa libi-ngan ng asawa.

“Siya ay bahagi ng aking buhay kaya ako narito. Kapag narito ako, nakadarama ako ng labis na kasiyahan. Ginagawa ko ito para kay Julia at para na rin sa sarili ko,’’ sabi ni Rocky nang kapanayamin ng Boston Globe noong 2000.

Nagsimula ang pag-iibigan nina Rocky at Julia no­ong mga ti­nedyer pa lamang sila at nasa kanilang sinilangang lugar sa Buenos Aires, Argentina noong 1930s. Mayroon silang anak na babae si Angela Arai.

Kahit maysakit noong Hulyo 2013, patuloy pa rin sa pagdalaw si Rocky sa libi-ngan ni Julia.

Hanggang sa tuluyan na siyang igupo ng sakit.

Noong Enero 22, 2014, namatay si Rocky sa edad na 92. Inilibing siya sa tabi ni Julia --- sa gawing kaliwa nito. Iyon ang kanyang kahi-lingan.

-www.oddee.com-

 

ANGELA ARAI

BOSTON GLOBE

BUENOS AIRES

JULIA

KAHIT

NOONG ENERO

ROCKY

ROCKY ABALSAMO

ST. JOSEPH

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with