Uok (48)

NAG-IISIP si Drew at hindi makapagpasya kung ide-delete ang mga kuha kay Gab sa kanyang iPhone nang biglang may incoming call sa kanya. Si Tiyo Iluminado! Bakit kaya tumawag?

“Hello, Tiyo Iluminado?”

“Hello Drew. Pasensiya ka na, natutulog ka naba?”

“Hindi pa po. Ba’t ka po natawag, Tiyo?”

“Wala naman. Mangungumusta lang ako. At saka bago itong cell phone ko, tinetesting ko, he-he!”

“Kumusta ka po? Si Tiya Encarnacion po? Kumusta kayong dalawa?”

“Mabuti naman. Ikaw, Drew, kumusta? Ang Daddy mo?”

“Okey naman po.”

“Siyanga pala, iniingatan mo ba ang kuwintas?”

“Naibigay ko na po sa may-ari, Tiyo.”

“May-ari? Sinong may-ari?”

“Yung anak po ni Uok.”

“Teka, naguguluhan ako. Anak ni Uok?”

“Opo. Yung babaing nagbabakasyon diyan ay anak ni Uok at sa kanya ang kuwintas, Tiyo. Ang panga­lan po ng anak ni Uok ay si Gab.’’

“Paano mo nalaman?”

Ikinuwento ni Drew. Lahat ay sinabi kay Tiyo Ilu-minado. Pati na ang pagpunta ni Gab. Nakilala na rin     ito ng daddy niya.

“Ibang klase ka, Drew.”

“Masyado po akong naging interesado kay Gab.”

“Naku e baka ang kasunod niyan ay ligawan mo na. Masamang tao ang ama niya --- si Uok. Kaya lang kung siya ang gusto mo e wala akong magagawa.”

“Gusto ko munang makilala kung sino si Uok, Tiyo. Parang may misteryo ang buhay niya.”

“Sige imbestigahan mo. Ireport mo sa akin.’’

“Opo. Tiyo.’’

“Kailan ka ba pupunta rito, Drew?”

“Sa summer na po.”

“Sige, hihintayin kita.’’

Natapos ang usapan nila.

 

ISANG araw, naisipan ni Drew na tawagan si Gab.

“Gab, puwedeng magkita tayo.”

Nagulat si Gab.

“Hindi puwede Drew. Binabantayan ko si Daddy.’’

(Itutuloy)

 

Show comments