Ngayon ang panaho’y mabilis umusad
Simbilis ng bagyong sa bansa’y lumapag;
Palibhasa’y bata hindi batid agad
Kung saan hahantong ang buhay mahirap?
Ngayong magka-edad at naging magulang
Sungit ng panahon ay nararanasan;
Ang mga kawawang kapatid, magulang
Ay biglang naglaho sa dagat at ulan!
Kaya hanggang ngayon ay dinaramdam pa
Sama ng panahong nagdaan sa bansa;
Ang mga naiwang ngayo’y mga bata
Ang amang nasawi ay iniluluha!
Sino kaya ngayong magiging patnubay
Nitong mga batang kalat sa lansangan?
Mga ama’t inang nawalan ng buhay
Magbalik pa kaya sa wasak na bahay?