‘Building code’
TUMATAK sa publiko at sa buong mundo ang kalunos-lunos na sinapit ng mga taga-Visayas matapos bayuhin ng Supertyphoon Yolanda.
Iba’t ibang ideya at suhestyon ang naglalabasan mula sa mga ahensya ng pamahalaan hinggil dito.
Iisa ang kanilang punto, sumunod sa kanilang mga “pamantayan†upang hindi na maulit, kung hindi man maiwasan, ang sinapit ng mga kababayan natin sa Visayas.
Inaanunsyo ngayon ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) ang bago nilang tool kontra mabilis na pagguho ng mga istruktura.
Binubuo ito ng mga katanungan na magsisilbing checklist ng mismong residente kung bagsak o pasado ang kanilang gusali o bahay na tinitirhan.
Nakatakdang ipakalat ng Phivolcs ang kanilang checklist ngayong unang tatlong buwan ng taon.
Nitong mga nakaraang araw, sunod-sunod na pagyanig ang naganap sa Visayas partikular sa Tagbilaran City, Bohol.
Matatandaang noong nakaraang taon, maraming mga residente ang namatay at nasugatan sa malakas na lindol sa nasabing probinsya.
Sa Pilipinas may tinatawag na national building code o panuntunan at pamantayan ng pamahalaan sa pagtatayo ng mga gusali.
Sa puntong ito, mahalagang maipaabot ng maayos ng mga nakatutok na ahensya ang mga impormasyon na dapat malaman ng taumbayan.
Mapa-nasyunal man o lokal na pamahalaan, dapat istriktong imino-monitor at ipinatutupad ang National Building Code.
Subalit sa katatapos lang na delubyong hatid ni Yolanda, saka lang ulit naging seryoso ang pamahalaan sa istriktong pagpapatupad ng kanilang mandato sa pagtatayo ng mga istruktura.
Marami pa rin ang mga nagtatayo ng mga bahay at gusali na marurupok at mahihina ang pundasyon na pawang bagsak sa building code.
- Latest