^

Punto Mo

Mam Lucy (3)

SUPALPAL - Non Alquitran - Pang-masa

KAHIT saang anggulo tingnan, talo si Caloocan City Mayor Oca Malapitan sa patuloy na operation ni northern Metro Manila sakla queen Lucy Santos at kasosyong alyas Poleng. Sinabi ng mga kosa ko na ang mga personnel pala ng sakla nina Lucy at Poleng ay halos lahat taga-Navotas. Kaya tuwing election, hindi sila mapakinabangan ni Malapitan kasi sa Navotas sila boboto. Sa lahat ng uri ng sugal tulad ng sakla, bihira ang natatalo, kaya maliwanag na hinahakot ng tandem nina Lucy at Poleng ang pera ng taga-Caloocan. Ang tanong sa ngayon ng mga kosa ko, bakit kailangang ang isang taga-Navotas ang makinabang sa pasugalan sa Caloocan? Kaya kapag nagpatuloy ang sakla nina Lucy at Poleng sa Caloocan, iisa lang ang ibig sabihin n’yan, na nakikinabang din ng malaki dito si Malapitan, di ba mga kosa? Maliwanag kasi na ginigisa sa sariling mantika nina Lucy at Poleng ang taga-Caloocan at lumalabas na kakutsaba nila si Malapitan. Hehehe! May P90,000 weekly kaya na dahilan? Ano sa tingin n’yo mga kosa?

Ganito pala ang sistema ng sakla nina Lucy at Poleng, ayon sa mga kosa ko. Si alyas Marlyn, ang girl Friday ni Lucy, ang tinatawagan ng mga barangay chairman kapag may patay sa kanilang lugar. Kapag nakalatag na ang sakla nina Lucy at Poleng, merong automatic na P300 na finders fee si Marlyn. Ewan ko lang kung magkano ang para sa barangay kupitan... este, kapitan pala? Ang lahat naman ng saka o tong ay mapupunta sa pamilya ng namatay para panggastos sa libing at iba pang pangangailangan. Kapag nanalo ang bangka, may pag-asa pa na maabutan ng pandagdag na panggastos ang namatayan. Ang koto o limit sa taya sa sakla-patay, anang mga kosa ko, ay P100 sa kada magkapares na baraha. Para maka-menos sa gastos, sa lokal man o national ng ating PNP, kailangan lagom ang lingguhang intelihensiya. Kapag per puwesto kasi, talo ang bangka dahil sa sobrang laki ang weekly payola nila. Get’s n’yo mga kosa?

At walang naniniwala sa mga kosa ko na hindi arok ni Malapitan ang modus operandi nina Lucy at Poleng. Galing sa pamilyang pulis si Malapitan kaya kahit paano, alam niya ang kalakaran sa pasugalan. Bilang mayor kasi, dapat alam ni Malapitan ang lahat ng nangyayari sa siyudad niya, di ba mga kosa? Mismo!

Para sa kaalaman ni Malapitan, nilubog lang ni Lucy ang pangalan niya at pinapalabas sa ngayon na si Poleng na ang may mando sa sakla-patay sa Caloocan matapos arborin ni Navotas Rep. Toby Tiangco ang ilegal na negosyo niya. Sa tingin ko, lahat ng klaseng gimik ay gagamitin ng dalawa para hindi matigil ang “tulo ng gripo” sa bulsa nila, di ba mga kosa? Kapag hindi natigil ang sakla-patay nina Lucy at Poleng, lalabas na hindi pinagbigyan ni Malapitan ang hiling ni Rep. Tiangco, di ba mga kosa? Humahangos naman na nagbalita ang isa kong kosa sa Caloocan na ang pamangking pulis ni Malapitan ang kausap nina Lucy at Poleng. Hehehe! Dapat magsuot ng helmet si Malapitan para hindi niya maramdaman ang mga pukol na tatama sa kanya.

Abangan!

CALOOCAN

KAPAG

KOSA

LUCY

MALAPITAN

NAVOTAS

NINA

POLENG

SAKLA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with