Inspirasyon ng mga ‘purita’

Silipin ang naging buhay ng ilang bilyonaryo noong mahirap pa sila sa mga daga. Purita—salitang balbal na ibig sabihin ay “poor”.

Shahid Khan. Net worth: $3.8 billion (as of Sept. 2013). May-ari ng Flex-N-Gate, one of the largest private companies in the U.S., the NFL’s Jacksonville Jaguars, and Premier League soccer club Fulham. Mula sa Pakistan, nagbakasali siya sa America at nagtrabaho bilang tagahugas ng pinggan na sumusuweldo ng $1.20 per hour para lang makapag-kolehiyo sa University of Illinois.

Kenny Trout. Net worth: $1.7 billion (as of Sept. 2013). Founder ng phone company noong 1988, ang Excel Communication at Teleglobe. Kailangang magbenta ng life insurance para makapag-aral sa Southern Illinois University.

Francois Pinault. Net worth: $15 billion (as of March 2013). May-ari ng high-end fashion houses kagaya ng Gucci, Stella McCartney, Alexander McQueen, at Yves Saint Laurent. Tumigil siya ng pag-aaral sa high school dahil hindi na niya matiis ang pambu-bully  ng mga kaklase dahil sa sobrang kahirapan ng kanilang buhay.

Do Won Chang. Net worth: $5 billion (as of Sept. 2013). Founder ng Forever 21. Mula sa Korea ay lumipat siya sa America noong 1981. Nagtrabaho siya bilang janitor, attendant sa gas station at waiter sa coffee shop.

Ralph Lauren. Net worth: $7.7 billion (as of Sept. 2013). Founder ng Polo by Ralph Lauren. Huminto siya sa pag-aaral upang pumasok sa army. Pagkatapos magsilbi sa army, pumasok siyang ahente ng kurbata. Minsan ay nakapagbenta siya ng $500,000 worth ng mga kurbata. Mula sa kinita ng kurbata ay itinayo niya ang Polo by Ralph Lauren.
 

Show comments