NANGAKO si President Noynoy Aquino na nagpapatuloy ang kanyang adminisÂtrasyon sa tuwid na daan at ito ang dapat suportahan ng taumbayan.
Sa mensahe ni P-Noy nga-yong bagong taon, tinitiyak na mawawala na ang matitin-ding katiwalian sa gobyerno. Nagpapatuloy ang iba’t ibang ahensiya tulad na lang ng Office of the Ombudsman na nirerebyu pa rin ang kasong plunder na inihain laban sa ilang senador at iba pang indibidwal na may kinalaman sa pork barrel scam.
Masarap pakinggan ang mga binitiwang salita ng Presidente. Umaasa tayong lahat na ito ay matutupad pero mukhang mahihirapan na yatang maalis ang corruption sa bansa dahil bahagi na ito ng sistema at kultura ng ilan nating kababayan lalo na kapag nakakapuwesto sa kapangyarihan.
Naniniwala akong siya ay malinis sa katiwalian pero sa kanyang mga tauhan at pinagtitiwalaan nang husto ay kaduda-duda pa rin ang pagkakasangkot sa mga katiwalian. Hindi naman porke inalis na ang pinaka-pinuno ng ahensiya ay matitigil na ang katiwalian sa gobyerno.
Isang halimbawa ay sa Bureau of Customs (BOC) na kahit sino pa ang ilagay na pinuno sa ahensiyang ito ay mahihirapang malinis sa katiwalian dahil na rin sa masyadong malalim ang sistema at kultura sa nasabing ahensiya.
Bakit hindi subukan ni P-Noy na palitan lahat ng tauhan at opisyal sa BOC mula sa Commissioner hanggang sa pinaka-mababang puwesto tulad ng mga clerk at janitor. Mayroon ka-sing mga kasabwat ang ilang smuggler na mula baba hanggang sa katas-tasang opisyal.
Suportahan nating lahat ang layunin ng Presidente na linisin ang katiwalian sa gobyerno dahil malaki ang magiging papel dito ng taumbayan.
Kapag nawala na ang katiwalian ay asahan na unti-unting lalago ang ekonomiya ng bansa at ang mga nawawalang pondo ay mailalaan na sa pagbibigay ng mga pangunahing serbisyo sa bayan.
* * *
Samantala, hindi na bago pa ang mga resulta ng survey na mayoryang Pilipino ang nananatiling optimistiko o positibo ang pananaw sa pagpasok ng bagong taon.
Taun taon naman kapag sinasalubong ang pagpasok ng bagong taon ay laging umaasa at umaasam ang mga Pilipino na gaganda ang buhay ng mga ito.
Kaya lang ay taun-taon din ay nabibigo ang maraming mamamayan dahil sa hindi magandang serbisyo ng gobyerno at may kapalpakan sa ilang ahensiya ng pamahalaan.