^

Punto Mo

Mam Lucy

SUPALPAL - Non Alquitran - Pang-masa

PINALAYAS ni Navotas Mayor Toby Tiangco si northern Metro Manila sakla queen Lucy Santos ilang taon na ang nakararaan. Hindi naman ito masyadong ininda ni Mam Lucy dahil lumipat lang siya sa kaharian ni dating Caloocan City mayor Recom Echiverri na nasa Kongreso na ngayon. Subalit noong nakaraang election, tinalo ni Rep. Oca Malapitan ang anak ni Echiverri sa pagka-mayor kaya medyo gumiwang-giwang ang sakla operation ni Lucy, anang mga kosa ko.

Ang masaklap, maganda pala ang relasyon nina Tiangco at Malapitan kaya napalayas na naman ang sakla ni Lucy sa Caloocan. Mukhang mahaba-haba pa ang panahon ng paghihinagpis ni Lucy sa kamay ni Tiangco, na spokesman ng UNA, di ba mga kosa? Paano kung manalo si UNA presidential candidate Vice President Jojo Binay sa darating na 2016 elections? Eh di sibak na naman si Lucy, di ba mga kosa? Saan na ilalatag ang saklaan n’ya kung buong Pilipinas na ang poder ni Tiangco?

Subalit hindi basta-basta mapahinto nina Tiangco at Malapitan ang negosyo ni Lucy dahil laki ito sa kalye at maraming gimik para mapaikutan sila. Sa totoo lang, gumana kaagad ang utak ni Lucy at naisipan niyang ilubog ang sarili. Sa ngayon, ang putok sa Caloocan, huminto na sa kanyang negosyo si Lucy. Subalit ilang araw matapos huminto kuno si Lucy, may pumalit naman sa mga puwesto n’ya at ang umakong financier ay isang alyas Poleng. At ang kumakausap sa lahat nang dapat aregluhin sa mga puwesto ni Poleng ay isang alyas Marlyn.

Malaki ang paniniwala ng mga kosa ko sa Caloocan na si Poleng at si Lucy ay iisa. Kasi nga, si Marlyn ay empleado ni Lucy at ang mga balasador at tauhan sa saklaan ni Poleng ay kay Lucy din. At sa totoo lang, ni minsan hindi pa lumutang si Poleng kahit mismo kay Sr. Supt. Bernard Tambaoan, Caloocan City police chief, anang mga kosa ko. Kaya maliwanag pa sa sikat ng araw na naisahan ni Poleng este ni Lucy sina Tiangco at Malapitan, hehehe! Get’s n’yo mga kosa? Tiyak bilang na ang mga araw ng saklaan ni Poleng este ni Lucy pala sa Caloocan City, di ba mga kosa? Mismo!

Kung sabagay sanay na sa hirap si Lucy. Ayon sa mga kosa ko, lumaki lang si Lucy noong kapanahunan ng nasirang si dating NCRPO at NBI director Reynaldo Wycoco dahil sa tulong ng retiradong pulis na si Danny de Belen. Dahil hindi magalaw-galaw ang mga puwestong sakla ni Lucy, presto… maganda ang pasok ng pitsa sa bulsa n’ya at naging milyonarya siya. Sa pagkaalam ko, hanggang sa ngayon, nililingon naman ni Lucy ang utang niya kay Danny. At nang medyo umangat na siya, nakilala ni Lucy si Rey Briones alyas Boy Sunog. Kaya kapag ni-raid nina Tambaoan, o NCRPO chief Dir. Carmelo Valmoria at CIDG director Chief Supt. Benjie Magalong ang mga puwesto ni Lucy...este Poleng pala sa Caloocan City, tiyak magri-ring ang kani-kanilang telepono. At malaki ang paniniwala ng mga kosa ko na si Boy Sunog ang nasa kabilang linya, hehehe! Kanya-kanyang raket lang ‘yan!

Humahangos din na nagrereport ang mga kosa ko na may puwesto rin sa Quezon City si Mam Lucy. Abangan!

BOY SUNOG

CALOOCAN

CALOOCAN CITY

KOSA

LUCY

MALAPITAN

MAM LUCY

POLENG

TIANGCO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with