N APAATRAS si Drew pero nakatingin pa rin sa babaing naliligo sa batalan ng katapat na bahay. Tamang-tama ang posisyon ni Drew sapagkat sapol na sapol ang naliligo. Nakaupo ang babae habang naliligo. Hindi puwedeng tumayo sapagkat makikita. Ang dingding ng batalan ay mga pira-pirasong patpat ng kawayan na hindi masinsin. Pero kahit nakaupo ang babae habang naliligo, makikita pa rin.
Napapalunok si Drew habang pinagmamasdan ang naliligo. Ganunman, kinaÂkabahan siya at baka makita ng babae. Ngayon lang nakakita si Drew ng naliligo sa batalan. Siyempre wala ng ganito sa Maynila. Sa mga bahay sa probinsiya na lang may ganito at bihira na rin siguro. Iilan na lamang ang may batalan.
Naka-panty ang babae. Kulay balat ang panty kaya sa unang tingin ay parang “all the wayâ€. Bahagyang natatakpan ng dingding ang mga “boobsie†ng babae kaya hindi niya gaanong mabistahan. Pero sa tantiya ni Drew ay malulusog ang boobsie.
Hanggang sa makita niya na sunud-sunod ang pagbuÂbuhos ng babae. Sinasalok ng tabo ang tubig na nasa plastic na timba.
Hanggang sa makita ni Drew na hinagilap ng babae ang malaking tuwalya na nakasabit sa gawing kaliwa. Itinakip ang tuwalya sa katawan at saka hinubad ang panty.
“Drew! Drew!â€
Napapitlag si Drew. Si Tiya Encarnacion ang tumatawag. Umatras si Drew at naupo sa papag. Sayang!
“Drew, halika na at mag-almusal ka na!â€
“Opo Tiya Encarnacion. Lalabas na po.’’
Tumayo si Drew at muling sumilip sa batalan. Wala na ang babae. Sayang!
Sinangag at pritong tilapia na may sawsawang suka ang ulam ni Drew. May umuusok na barakong kape.
“Ang sarap ng ulam, Tiya Encarnacion! Marami akong makakain.’’
“Kakahiya nga ang ulam. Bumawi ka na lang mamayang tanghali. Mag-aadobo ako sa gata ng dumalagang manok.’’
“Sige po Tiya. E nasan po si Tiyo Iluminado?â€
“Nasa niyugan. Nagpuputol ng niyog.â€
“Pagkatapos kong kumain, pupuntahan ko siya. Alam ko naman ang niÂyugan.â€
“Sige.â€
Pagkatapos kumain, pinuntahan niya si Tiyo Iluminado. Naabutan niyang pinapalakol ang punong niyog.
“Bakit mo pinuputol, Tiyo?â€
“Maraming uok!â€
“Ano yun?â€
“Mamaya makikita mo.â€
(Itutuloy)