Australyano, pinakasalan ang alagang aso!

KAHAPON, nalathala sa kolum na ito ang tungkol sa isang milyonaryang British na nagpakasal sa isang dolphin. Pero hindi pala siya nag-iisa sapagkat mayroong mga lalaki na nagpakasal naman sa alaga nilang aso.

Gaya ng 20-anyos na si Joseph Guiso ng Australia na pinakasalan ang kanyang best friend na Labrador na nag­ngangalang Honey. Naganap ang kasalan noong Disyembre 2010 sa Toowoomba’s Laurel Bank Park sa Australia.

Hindi biro ang nangyaring kasalan nina Joseph at Honey sapagkat 30 kamag-anak at kaibigan nila ang sumaksi sa pag-iisang dibdib.

Ayon kay Joseph, siya ay relihiyosong tao kaya naisipan niyang paka­salan na si Honey. Mas maganda raw kung may basbas ng kasal habang nagsasama. Pero sabi ni Joseph, “it’s not sexual. It’s just pure love” ang namamagitan sa kanila ni Honey. (www.oddee.com)

 

Show comments