PAGLALAAN ng oras at atensiyon ang kailangan upang matutukan at masubaybayan ang paglaki ng mga anak. Kahit gaano ka kapagod sa trabaho, pag-uwi mo, kailangang maglaan ng oras sa mga anak.
Narito ang mga paraan para maipakita ang malasakit sa mga anak:
1. Pagdarasal para sa kanila kasama nila. Hindi lamang ang pagdarasal bago kumain. Sa ganitong paraan ng pagdarasal naituturo ang kahalagahan ng pagtataas ng mga pangamba at kahilingan sa Diyos.
2. Pagbabasa ng libro. Dito napapalawak ang imahinasyon ng anak.
3. Paghalik sa kanila ng good night. Kapag umuwi ka mula sa trabaho at patulog na sila, huwag mag-atubiling humalik at magsabi ng good night.
4. Pagpunta sa misa kasama ang buong pamilya. Ang pagsisimba at pagsamba ay hindi lamang upang matutunan nila ang tamang asal kundi para mas makilala nila ang Diyos.
5. Random dates. Ang paglabas upang kumain ng walang okasyon. They feel special.
6. Pagdidisiplina. Mahirap at masakit sa kalooban na disiplinahin sila. Pero kailangan dahil isa ito sa mga paraan ng pagpapakita ng pagmamahal.
7. Paghingi ng tawad. Kapag alam mong naging masyado kang malupit, magpakumbaba at humingi ng tawad. Hindi kahinaan o ikababawas ng respeto nila sa iyo bilang magulang ang pagsasabi ng sorry.
8. Pagiging malambing at pagpapakita ng affection. Sa paghalik, pagyakap hindi lamang pagmamahal ang pinakikita at tinuturo mo kundi pati na rin ang tamang pagpapakita ng afÂfection sa iba.
9. Pagkakaroon ng maliliit na sorpresa. Ang mga sorÂpresang pasalubong kahit wala namang okasyon ay nagbiÂbigay sa kanila ng imÂportansiya.
10. Pagbibigay ng 100% attention kapag kasama sila. Sa panahon ngayon na pagkarami na ng gadgets, isang tunog lang ng telepono ay para bang automatic ng napupulot ito ng kamay, napuputol ang eye contact pati ang pokus sa anak. When you are with them, be with them.