EDITORYAL - Tulungan ang bibitaying Pinoy
APAT na milyong Saudi Riyals ang hinihinging “blood money†ng pamilya ng Sudanese na napatay ng Pilipinong contract worker na si Joselito Zapanta noong 2007. Ang apat na milyong Saudi Riyals ay katumbas ng P45 milyon. Ang naipon lamang umano ng pamilya ni Zapanta ay P5 milyon. Malayung-malayo pa sa target na halaga. Nagtapos ang deadline sa pagbibigay ng “blood money†noong Nobyembre 3. Anumang oras, ay maaaring igawad kay Zapanta ang parusa. Pagpugot sa ulo ang katapat na parusa. Kahapon, sinabi sa TV report na nawawalan na ng pag-asa si Zapanta na makaligtas sa parusa.
Ayon sa report, ipinabibigay na lamang umano ng Pinoy convict ang naipong P5 milyon sa mga nabiktima ng lindol sa Bohol. Umano’y tanggap na ni Zapanta ang kapalaran.
Napatay ni Zapanta ang Sudanese makaraan umanong singilin siya nito sa renta ng inuupahang bahay. Naniningil umano ang Sudanese kahit wala pa sa takdang oras ng pagbabayad. Nagdilim ang paningin ni Zapanta at sinaksak ang Sudanese. Ayon naman sa ibang report, makaraang mapatay ni Zapanta ang Sudanese ay ninakawan ito ng dalawang cell phone at 3,000 Saudi Riyals.
Dapat ay noon pang Abril iginawad ang pagpapataw ng parusa kay Zapanta subali’t nabigyan ng extension. Natapos na nga ang deadline sa pagbabayad ng “blood money†noong Linggo. Sabi naman ng Department of Foreign Affairs gagawin nila ang lahat para ma-extend muli ang paggagawad ng parusa kay Zapanta.
Ilang Pinoy na rin sa Saudi Arabia ang nailigtas sa execution. Sana, ganito rin ang gawin kay Zapanta. Gumawa ng paraan para makalikom ng karagdagang “blood moneyâ€. Kung nakakapagbigay ng P50 milyon sa mga mambabatas, bakit hindi magawa iyon sa isang bibitayin. Hindi naman ukol sa droga ang kaso ni Zapanta kaya maaaring mapatawad. Maaaring nagawa niya ang kasalanan dahil ginipit siya. Bigyan siya ng pagkakataon.
- Latest