Napansin mong lumiit ang iyong t-shirt pagkatapos labhan. Kumuha ng hot water na tama lang ang dami sa size ng iyong t-shirt. Haluan ng 2 sachets ng hair conditioner. Dito ibabad ang t-shirt para bumalik ulit sa dating size.
Huwag pakainin ng tinapay ang pato/itik dahil mahirap itong matunaw at maaari nilang ikamatay.
Ang 15 minutes na pagtawa ay katumbas ng health benefits na nakukuha sa 30 minutes sit-ups.
Ang pagkain ng isang kutsarang apple cider vineÂgar ay nagpapagaling ng allergy at hika.
Lagyan ng kaunting asin ang plastic container bago itago upang hindi magkaamoy.
Huwag iinom ng Ibufropen kapag may hangover. Nakakabutas ito ng lining ng tiyan.
Sa mga lalaking may edad na, para hindi makantiyawan na mahilig sa “daisy†, narito ang lowest age na dapat ninyong i-date: Divide your age by two then add 7.
Mahirap makatulog? Magbasa ng boring book. Mabilis mapapagod ang iyong mata, then, aantukin ka.
Hindi tama na mag-slide ka na may kalong na baby, delikadong mabalian ng legs ang baby.
Ang pananaginip sa gabi ay nakakatulong upang maibsan ang sakit na nararamdaman dulot ng mga problema.
Kapag naduduwal, amuyin ang rubbing alcohol para guminhawa ang pakiramdam.
Kapag nakikipagtalo, mag-imagine na may nagrerecord ng inyong pagtatalo upang mapigilan mo ang iyong sarili na magmura.