^

Punto Mo

Sukli

DIKLAP - Ms. Anne - Pang-masa

BUMILI ako ng isang kilong lansones sa palengke sa halagang P70. Ang ibinayad ko ay P200 bill. Palibhasa ay nakabilad sa init ng araw ang puwesto ng magpuprutas, nagmamadali akong umalis at tuluyan nang nakalimutan na may sukli pa akong P130. Lingid sa aking kaalaman ay hinabol ako ng tindera. Palibhasa ay chubby, medyo humihingal-hingal pa ito nang abutan ako sa tinigilan kong isa pang tindahan.

“Mam, sukli mo.”

“Naku, thank you. Sorry…pinagod kita.”

“Okey lang yun. Mas malaki pa ang sukli mo kaysa halaga ng binili mong lansones. Unfair sa iyo kung hindi kita mabibigyan ng sukli.”

“Ang honest mo naman, nakakatuwa ka. Bihira na ang mga kagaya mo…”

Ngumiti ang tindera. Mukhang naligayahan sa tinuran ko. “Mam, mahirap naman yung mahirap na nga ako, hindi pa ako magiging matapat. Ano na ang ipagmamalaki ko sa aking sarili? Patas lang dapat ang labanan. ”

“Aba, dapat pala ay tumakbo kang senador sa susunod na eleksiyon. Mga kagaya mong honest ang hinahanap na maging lider ng bayan.”

Humalakhak nang malakas ang tindera. “Ako, magiging senadora? Ha-ha-ha, grade two lang ang inabot ko! Honesty is the best policy nga lang ang natatandaan kong salitang English na itinuro ng aking titser.”

“Aba, masuwerte ka at natandaan mo ang quotation na ‘yan kahit grade two lang ang natapos mo. Yun ibang pulitiko ay nag-aral sa sikat na unibersidad at mataas ang pinag-aralan pero nakalimutan nila na HONESTY is the best policy in life.”

AKO

ANO

BIHIRA

HUMALAKHAK

LINGID

MUKHANG

NAKU

PALIBHASA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with