IPINARARATING ko kay Manila Mayor Erap Estrada ang balita na nabili na ng gambling lords na sina SPO2 Gener PresÂnedi alyas Paknoy at Delfin “Daboy†Pasya ang mga Station at PCP commanders ng MPD. Ang sistemang pinaiiral nina Paknoy at Pasya ang dahilan kung bakit hindi tuluyang maipasara ni Erap ang illegal gambling sa Maynila. Ang style pala nina Paknoy at Pasya ay pinari-raid sa mga Station at PCP commanders ang mga butas ng karera ng mga kalaban nila at pagkatapos noon ay hinihikayat nila ang financiers na mag-umbrella na lang sa kanila. Naging matagumpay si Paknoy sa sistemang ito sa Sampaloc, kaya ang mga butas ni Jeff Concepcion ay naka-umbrella na sa kanya. Si Concepcion, ayon sa mga kosa ko, ay kapatid ng talunang konsehal na si Guia Gomez-Castro. Get’s mo Mayor Erap Sir?
Siyempre, ang nasa likod ng ganitong sistema nina Presnedi at Pasya ay ang scalawag cops na sina Insp. Arnold Sandoval, SPO4 Fernando Cantillas at PO2 Fernando “Andoy†Diamzon. Sa halos tatlong dekada nilang trabaho bilang kolektor ng lingguhang intelihensiya ng iba’t ibang unit ng PNP, aba hindi na sila nawawalan ng kung anu-anong gimik para lang mapaikutan si Erap. Si Sandoval ang nasa likod ni Pasya at sina Cantillas at Andoy naman ang kumakalong kay Presnedi, anang mga kosa ko.
Noong panahon ni dating Mayor Fred Lim, ang intelihensiya lang sa Station commander ay P500 at P300 naman ang sa PCP. Sa panahon ni Erap, ang hatag nina Presnedi at Pasya ay mula P600 hanggang P1,000 sa isang butas sa Station samantalang ang sa PCP ay sa P400-P500 na. Hindi pa kasama riyan ang mga “hirit†ng malulupit na commanders. Hehehe! Get’s n’yo mga kosa?
Dahil sa no take policy ng CIDG, NCRPO at MPD, ang binubusog nina Pasya, Presnedi at Don Ramon, na ang lakad ay lotteng, ay mga Station at PCP commanders. Abot-langit ang pagreport ng mga kosa ko na wala talagang tinatanggap si MPD director Chief Supt. Isagani Genabe at mukhang hindi niya nalalaman ang ginagawa ng Station at PCP commanders niya?
Uulitin ko, ang tong collectors sa Station 1 at 8 ay si Carding Carille na bata ni Sandoval; si Buboy Alquiroz sa Station 2; si Ruel Robles sa Station 3, 6 at 10; si Caloy Chan sa Station 5; si Cocoy Gaddi sa Station 7; si alyas Duran sa Station 9; si Bong Cruz at Joy Rosalita sa Station 11 at sa Traffic ay si PO3 Marlon Gatmunton. Samantalang si Chan din ang itinuturong may hawak ng mga “kotong†sa Malate at Ermita, at ang gamit naman ni Chief Insp. Bernabe Erinco ng City Hall detachment ay sina Rigor, Boy Wong at Zaldy Galvez. Dapat ipatapon ni Erap ang tong collectors outside Metro Manila para walang balakid na ang kampanya niya laban sa illegal gambling. Mismo!
Ni-raid naman ni Erinco ang puwesto ni Pasya sa Pandacan nitong nakaraang linggo at aabot sa 26 katao ang naaresto. Kung tig-P13,000 na ang piyansa sa ngayon, tapos P1,500 naman ang palit-ulo, aba malaking halaga ang nawala sa bulsa ni Pasya, di ba mga kosa? Kung mahuli naman ni Erinco si Paknoy, maya-maya lang pinakakawalan na ang mga tao niya. Magkano ba Maj. Erinco Sir? Subalit kapag MPD headquarters ang nakahuli kay Paknoy, di niya ito nilulutangan, anang mga kosa ko. Kailan kaya ikukumpas ni Erap ang kanyang kamay na bakal laban sa tong collectors sa MPD? Abangan!