^

Punto Mo

Krimen lumalala

RESPONDE - Gus Abelgas - Pang-masa

Tatlong suspect na sangkot sa pagpaslang sa adverti-sing executive na si Kristelle ‘Kae’ Davantes ang hawak na ngayon ng NBI.

Sa inisyal na imbestigasyon lumalabas na holdap ang motibo sa pagpaslang.

Nagkaroon ng magandang breakthrough sa kaso ilang araw lamang matapos na dagdagan ng Malacañang ng P2 mil­yon ang reward para sa madaliang ikalulutas ng kaso.

Unang nadakip ang 19- anyos na si Samuel Decimo matapos mangholdap sa Cavite.

Umamin ito na siya mismo ang sumaksak kay Kae habang naghihingalo pa ito nang itapon nila sa ilalim ng tulay sa Cavite.

Nabawi na rin ang laptop at cellphone ni Kae sa sinasabing pinagsanlaan ng mga suspect sa Muntinlupa.

Kamakalawa ay nadakip na rin ang dalawa pang kasamahan ni Decimo.

Simpleng holdap na nauwi sa pagpatay.

Pero ang kapansin pansin dito ay ang pahayag ni Decimo na sa loob mismo ng Moonwalk Village kung saan doon umuuwi si Kae kinuha nila ang dalaga.

Ibig sabihin sa loob ng guwardiyadong subdivision doon nakaposte ang grupo ng kawatan.

Asan ang seguridad dito?

Nakauwi na nga raw si Kae ng ito ay kunin at puwersahang dinala ng mga salarin.

Nakakatakot na ang ganitong mga pangyayari na tila hindi na nababantayan nang husto ng mga  kinauukulan.

Noong nakalipas din Biyernes anim katao ang minasaker sa San Fernando Pampanga. Lu-malabas na holdap din ang motibo sa krimen.

Ngayon umaasa ang mga kaanak ng nasawi na mabibigyan din ng ohustisya ang nangyari sa mga biktima.

Karumal-dumal din ang nangyari sa mga biktima at naghihintay din ng kaukulang pansin ang kanilang kaanak para agad itong malutas.

May magpalabas kaya ng reward para sa madaliang solusyon ng kaso?

Pero higit sa lahat dapat na mrahil ang matjnding pagbabantay at security measures ng kapulisan dahil talagang dama at nakikita na ang matindi na namang pagdami ng ganitong mga uri ng krimen lalu na sa Metro Manila.

 

ASAN

CAVITE

DECIMO

METRO MANILA

MOONWALK VILLAGE

PERO

SAMUEL DECIMO

SAN FERNANDO PAMPANGA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with