^

Punto Mo

Lampong (385)

Ronnie M. Halos - Pang-masa

MALAKAS ang boses ni Mr. Chan at napansin ni Dick na nagtitinginan ang mga nakaupo sa kabilang mesa. Para bang nagtawanan nang marinig ang sinabi ni Mr. Chan na may problema ang “batutoy’’. Gusto na niyang barahin si Mr. Chan pero pinilit pa rin ni Dick na maging cool. Kung hindi siya magiging cool at pana­natilihin ang pagkayamot ay baka lalo lamang magkaroon ng gulo. Sasakyan na lamang niya si Mr. Chan at kapag nakakita siya ng tiyempo ay palihim siyang lalabas sa Blackhorse.

“Ano Dick, hindi pa ba nasosolb ang problema mo kay Batutoy, ha-ha-ha!”

Hindi muna sumagot si Dick. Sa halip ay uminom ng beer. Nakaka-tatlong bote na siya at nagwawating-wating na ang kanyang paningin. Sa tingin niya, lalong naging kalbo si Mr. Chan. Nang una niya itong ma-meet ay med­yo makapal pa ang buhok pero ngayon ay tila airport na ang noo.

“Alam mo kung sino ang nagsabi sa akin ukol kay Ba­tutoy? Si Beinte-tres, yung mahusay na dancer ko sa Ms. University, ha-ha-ha! Sabi, lungayngay na lungayngay daw, ha-ha-ha!’’

Naiinis na si Dick. Pukpukin kaya niya ng bote ang ugok na ito? Pero naisip ni Dick, merong badigard ang Tsekwang ito. Baka kuyugin siya kapag pinukpok niya ng bote. Nagpaka-cool pa rin siya. Hayaan na nga niya ang pangangantiyaw. Titigil din ito kapag nagsawa sa kakakantiyaw.

Maya-maya, idinikit ni Mr. Chan ang bibig sa taynga ni Dick. May ibubulong ang Tsekwa. Siguro’y aawitan na naman siya para ipagbili ang itikan.

‘‘May mahusay akong gamot para mapanatili ang astig ni Batutoy. Hindi ka mapapahiya. Laging nakatindig at handang lumaban, ha-ha-ha!’’

Nag-isip si Dick. Nagbibiro kaya si Mr. Chan?

“Galing sa China ang gamot. Epektibo. Subok na subok ko na. Sa edad kong ito na 80-anyos, kayang-kaya ko pang paligayahin ang mga dancer ko sa Ms. University. Maski si Beinte-tres, e aliw na aliw sa akin, ha-ha-ha!’’

Napalunok si Dick. Otsenta na pala ang ugok. Wala sa itsura, kalbo nga lang. Pati mga dancer sa Ms. University ay ‘‘inuupakan’’.

‘‘Gusto mo Dick ng gamot­?’’

Hindi makasagot si Dick.

‘‘Marami ako. Isang capsule lang ang i-take  mo, ma­tikas na matikas yan, ha-ha-ha!’’

“Magkano?’’

“Hindi natin pag-uusapan ang presyo.’’

“Magkano nga?’’

“Magsosyo tayo sa itikan mo.”

Napalunok si Dick. Ma­laki talaga ang pagkagusto ni Mr. Chan sa kanyang itikan.

(Itutuloy)

ANO DICK

BATUTOY

CHAN

DICK

MAGKANO

MR. CHAN

MS. UNIVERSITY

NAPALUNOK

SI BEINTE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with