PITONG taong gulang na ngayon si Lakshmi Tatma ng Bihar, India. Siya ang batang isinilang na nakakabit sa katawan ang kanyang kakambal. Walang ulo ang kanyang kakambal pero may mga kamay at paa. Dahil nakakabit ang kakambal sa kanyang pelvis, kung titingnan si Lakshmi ay apat ang kanyang paa at apat ang kamay.
Kinuha ang kanyang pangalang Lakshmi sa Hindu goddess of wealth na marami ang kamay. Tinawag na isciopagus ang kalagayan ni Lakshmi. Umano’y tumigil sa pagdebelop ang kakambal habang nasa sinapupunan. Bukod sa apat ang kamay at mga paa, si Lakshmi ay may dalawang spines, apat na kidneys at dalawang stomach at chest cavities.
Nang sumapit ng isang taong gulang si Lakshmi, inoÂperhan siya sa Bangalore Hospital para tanggalin ang mga sobrang parte ng katawan. Tumagal ng 27 oras ang opeÂrasyon. Tagumpay ang operasyon. Namumuhay na nang normal ang bata sa kasalukuyan.