^

Punto Mo

Misteryosong pari, biglang lumitaw sa lugar ng aksidente, ‘Angel’ daw

MGA PANGYAYARING KAGILA-GILALAS - Arnel Medina - Pang-masa

ISANG car accident ang nangyari sa Eastern Missouri. Nagbanggaan ang dalawang kotse. Ang isang kotse ay minamaneho ng estudyanteng si Katie Lentz. Hindi naman nalaman kung sino ang drayber ng nakabanggaang sasakyan.

Sa lakas ng pagbangga, naipit si Lentz sa loob ng kanyang kotse at hindi siya makaalis. Kahit na anong gawin ng mga taong unang sumaklolo, hindi nila maalis ang naipit na si Lentz. Hirap na hirap naman si Lentz at parang nawawalan na ng malay dahil sa sakit na nararamdaman bunga ng pagkaipit.

Hanggang sa big­lang lumitaw ang isang pari na nakasuot ng itim na sutana at sinabing magdadasal siya para kay Lentz. Nagsimulang mag­dasal ang pari. Ang mga taong nasa paligid ay ay hindi rin malaman kung saan nanggaling ang pari.

Hanggang sa dumating ang mga emergency workers  na may dalang mga kagamitan at tagumpay na naalis sa pagkakaipit si Lentz. Maraming press photographer ang dumating at kinunan ang pangyayari.

Isinugod si Lentz sa ospital at nailigtas siya.

Hinanap naman ng mga rescuer ang pari na nagdasal para kay Lentz para pasalamatan. Pero walang nakapuna sa pag-alis nito Biglang nawala ang pari. Nagtanong sila sa local churches doon pero walang makapagsabi tungkol sa pari. Hindi taga-roon ang pari.

Maski sa mga kuhang retrato ay hindi nag-appear ang pari gayung ayon sa mga photographer ay kasama ito ng kanilang kunan.

Maraming nagsabi na guardian angel ni Lentz ang misteryosong pari.

vuukle comment

BIGLANG

EASTERN MISSOURI

HANGGANG

HINANAP

KATIE LENTZ

LENTZ

MARAMING

PARI

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with