SA halip na aso, gansa na ang gagamitin ng mga awtoridad para magguwarÂdiya sa police stations doon. Mas alerto umano ang mga gansa kaysa aso. Matalas ang mga mata at super ang pandinig. Kaunti lang daw kaluskos, ingay o yabag ay humuhuni nang malakas ang gansa kaya nabibigyan ng babala ang mga pulis.
Ayon sa awtoridad, na subukan nila ang pagkaÂalerto at katapangan ng gansa sa isang police station sa Xinjiang province. Umano’y napigilan ang isang lalaki sa pagkuha ng bisikleta na kinumpiska ng mga pulis. Umano’y biglang duma-ting sa station ang lalaki at walang paalam na pumasok para kunin ang kanyang bike.
Pero hindi nakaligtas sa guwardiyang gansa ang pangahas na lalaki. Biglang humuni nang malakas ang gansa at hinabol ang lalaki. Sa lakas ng huni, naalerto ang mga pulis at agad lumabas para tingnan kung ano ang nangyari at naging maingay ang gansa. Nakita nila ang lalaki na kinukuha na ang bike.
Inaresto ang lalaki at kinasuhan ng mga pulis.
Napatunayan na mas mahusay na guwardiya ang gansa kaya ito na lamang ang gagamitin ng mga pulis kaysa sa mga aso. Bukod sa pagiging guwardiya, nangiÂngitlog pa kaya doble ang pakinabang.