^

Punto Mo

PNP inuulan nang sunud-sunod na namang kontrobersiya

RESPONDE - Gus Abelgas - Pang-masa

Muli na namang nahaharap sa matinding kontrobersiya ang pamunuan ng PNP kaugnay sa mga kaganapang nangyari noong nakalipas na linggo.

Isa nga rito ang pagkapatay sa dalwang lider ng Ozamis gang sa Laguna. Nababalot naman kasi ng maraming tanong ang naturang insidente na base sa ulat ng pulisya ay tinankang itakas ang dalawang lider ng Ozamis na sina Ricky “Kambal”

Cadavero at Wilfredo “Kulot” Panogalinga Jr. ng riding In tandem na nagpaputok sa mga tauhan ng pulisya. Nagkaroon ng shootout na rito nasawi ang dalawang lider ng gang.

Maraming pinupukol na katanungan, maging ang tanong na kung bakit kailangan ipasyal ang dalawa kung iinquest lamang ang mga ito, gayung pwede naman sa loob na ng billibid prison gawin ang inquest procceding.

Kung sabagay masyado nga namang risky na ibiyahe- biyahe ang dalawa isipan pang may nauna nang insidente nang pagtakas ang mga Ito.

Bakit daw hindi marked vehicle ng PNP ang ginamit sa pagdadala sa dalawa.

Dahil nga sa mga ganitong insidente umusbong ang mga katanungan kaya ayun nagkaloko- loko na halos nasa 15 kabilang si Chief Supt. Benito Estipona, ng PNP region IV - A at ilan pang opisyal ang sinibak sa posisyon.

Bukod dito nagsasagawa pa ngayon ng masusing imbestigasyon.

Sumabay pa sa. kontrobersiyang ito ang ginawa namang pagbubulgar ng isang witness naman daw sa naganap na raid ng PNP- CIDG sa San Juan kung saan nadakip nila ang itinakas na mag-asawang drug dealer  na sina Li Lan Yan, alyas Jackson Dy at misis nitong si Wang Li Na.

Iba naman ngayon ang pa­ratang sa raiding team na ayon sa testigo eh nakita niyang dinadakot ang mga shabu sa bahay ng mga dayuhan gayun din daw ang sangkaterba na pera na hindi umano idineklarang ebidensya ng mga pulis. Ayun sinibak din sa kanilang mga po­sisyon ang mga pulis na nagsagawa ng operasyon.

Mahirap ang ganitong para­tang lalo pa nga’ t puro salita na lamang at walang magko-colla-borate sa kanyang pahayag o susuportang ebidensiya.

Pinanindigan naman ng CIDG na wala silang Nasam­sam na shabu o nakuhang pera sa bahay kung saan nahuli sina Dy.

Sa nangyayaring ito buma­ba umano ang moral ng mga pulis na kahit daw yata anong pagsisikap ang kanilang gawin, sa huli sila pa rin ang nasasabit.

Pakiramdam umano nila may grupo talagang nagnanais na tuluyang wasakin o sirain ang imahe ng PNP na para umanong laging naghintay ng ganitong mga pagkakataon at walang alam sabihin kundi imbestigasyon.

Medyo mahaba-haba pa ang tatakbuhin ng mga ganitong ba­gong kontrobersiya pero ang malaking tanong dito eh kung ano ang mangyayari o magi-ging resulta.

Marami pa rin ang sasakay sa ganitong mga isyu, may-e­epal pero ang mahalaga rito eh lumabas kung ano totoo. Kung mapatunayan na may dapat panagu- tan ang pulis aba eh kasuhan o tuluyang sibakin, kung puro sabi sabi lang naman aba eh linisin  naman kanilang mga pangalan.

BENITO ESTIPONA

CHIEF SUPT

JACKSON DY

KUNG

LI LAN YAN

NAMAN

OZAMIS

PANOGALINGA JR.

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with