^

Punto Mo

EDITORYAL - Hindi kaya masayang ang P374 milyon?

Pang-masa

IPINALABAS na ng Malacañang ang P374 milyon na ipamamahagi sa mga squatters na nakatira sa mga estero sa Metro Manila. Ayon kay Budget secretary Florencio Abad, pagkakalooban ng P18,000 bawat pamilyang nakatira sa mga estero sa sandaling umalis sila roon. Gagamitin ang pera bilang pang-upa sa kanilang titirahan habang hindi pa natatapos ang mga bahay na ginagawa ng gobyerno. Umano’y maaaring umupa ang mga iskuwater sa bisinidad kung saan malapit sa relocation sites. Ayon sa Malacañang, maraming housing projects na ginagawa para lipatan ng mga iskuwater. Hindi naman sinabi kung saang lugar ang mga housing projects at kung gaano katagal maghihintay ang mga titira rito. Ang P18,000 na kaloob sa bawat pamilya ay para lang sa pagrenta ng bahay.

Nasa 20,000 pamilya ang nakatakdang alisin sa walong waterways sa Metro Manila. Kabilang dito ang mga pamilya sa Tullahan River, San Juan River, Manggahan floodway, Estero de Tripa Gallina, Pasig River, Maricaban Creek, Estero de Sunog Apog at Estero de Maypajo. Ang mga nabanggit na ilog at estero ay umaapaw kapag panahon ng tag-ulan. Hindi dumadaloy ang tubig sapagkat barado ng mga barung-barong at basura. Ang mga iskuwater ang nagtatapon mismo ng basura sa ilog at estero. Wala silang pakialam kung bumaha man sa Metro Manila.

Ngayong nakahanda na ang pera para ipamudmod sa 20,000 pamilya, siguruhin naman sana ng pamahalaan na hindi ito masasayang. Siguruhin na hindi babalik ang mga pamilya sa tabing ilog at estero. Tiyakin din naman na hindi nila ibebenta ang mga bahay na ipagkakaloob sa kanila. Plantsahing mabuti ang plano at baka mabalewala ang pagod at pera. Baka sa dakong huli, sandamakmak pa rin ang mga iskuwater.

AYON

ESTERO

FLORENCIO ABAD

MALACA

MARICABAN CREEK

METRO MANILA

PASIG RIVER

SAN JUAN RIVER

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with