^

Punto Mo

Ang babaing bulag

DIKLAP - Ms. Anne - Pang-masa

ANG babae ay nagkaroon ng isang malalang sakit noong bata pa kaya’t nang siya ay siyam na taong gulang, bigla siyang nawalan ng paningin. Ito ang naging dahilan kung bakit galit siya sa kanyang sarili…sa mundo, maliban sa kanyang boyfriend na labis na nagmamahal sa kanya.

Isang araw ay binalitaan siya ng kanyang doktor na may nag-donate sa kanya ng mata. Halos malunod siya sa tuwa dahil sa wakas, matutupad na rin ang pangarap niya na magpakasal sa kaisa-isang lalaki na minahal niya at tunay na nagmamahal sa kanya. Ang pangako kasi niya sa nobyo ay magpapakasal sila oras na magkaroon na siya ng paningin.

Nagtagumpay ang operasyon sa kanya kaya’t pagkalabas sa ospital ay ang nobyo niya ang unang  hinanap. Ang init ng damdamin na nadadama niya noong hinahanap niya ang nobyo ay tila binuhusan ng yelo nang makita niyang bulag din pala ito! Hindi niya napigilan ang sarili.

“Niloko mo ako. Bakit hindi mo inamin na bulag ka rin pala! Ayoko nang magpakasal sa iyo! Hindi ako nagpaopera ng  mata para maging tagapag-alaga ng isang bulag.”

Mula noon ay hindi na nagpakita ang babae. May nanligaw sa kanya at nang lumaon ay nagplanong magpakasal. Isang araw bago magpakasal ay binisita siya ng dating nobyo upang ibigay nang personal ang regalo nito. Bago umalis ay hindi makapaniwala ang babae sa kanyang narinig:

“Good luck honey, just take care of my eyes.”

vuukle comment

AYOKO

BAKIT

ISANG

MULA

NAGTAGUMPAY

NILOKO

NIYA

SIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with