^

Punto Mo

Pandesal

DIKLAP - Ms. Anne - Pang-masa

MAY maliit na bakery si Aling Letty. Pandesal lang ang kanyang itinitinda. Tuwing umaga ay panata na niyang maglagay ng ilang pirasong pandesal sa tapat ng bakery upang ipamigay sa mga pulubing napadaan sa lugar. May pamahiin kasi siya na pampasuwerte iyon sa negosyo.

May isang matandang pulubi na napansin niyang ilang araw nang nagpapabalik-balik sa bakery upang kumuha ng libreng pandesal. Napansin ni Aling Letty na hindi marunong magpasalamat ang matandang pulubi. Ang isa pang napansin niya ay may ibinubulong lagi ang pulubi matapos damputin ang pandesal. Lingid kay Aling Letty, ito ang ibinubulong ng pulubi: Ang kasamaan ay manatili sa iyo; ang kabutihang ginagawa mo ay bumalik ng sampung beses sa iyo. Hindi niya alam na ito mismo ang paraan ng pagpapasalamat ng pulubi.

Lumipas ang maraming araw, lagi pa rin kumukuha ng lib­reng pandesal ang pulubi sa bakery at hindi ito nagpapasalamat kahit minsan. Nakadama na ng asar sa pulubi si Aling Letty nang mapansin niyang dalawang piraso na lagi ang kinukuha nitong pandesal. Sinasabihan niya ang mga pulubi na isa lang ang dapat kunin upang marami pang pulubi ang makakain ng libre. Kaya’t minsan ay  naglaro sa isipan niya na—ano kaya at lagyan niya ng lason ang pandesal. Tapos iyon ang ibibigay niya sa pulubing masiba at hindi marunong magpasalamat. Kaya lang ay hindi niya kayang pumatay ng tao. Sa bandang huli ay naisipan niyang hayaan na lang ang trip ng pulubi.

Isang araw ay biglang lumutang sa pintuan ng kanilang bahay ang anak na lalaki ni Aling Letty na nag-stow-away isang taon na ang nakalilipas. Nagkatampuhan ang mag-ina at ngayon ay naisipang bumalik ng anak. Napahagulgol ang ina dahil sobrang namayat ang kanyang anak. “Anak anong nangyari sa iyo?”

“Patawarin mo ako Inay.  Napahiya na po akong bumalik sa iyo kaya nagpalaboy-laboy ako sa kalye. Nagkasakit po ako at hindi ko maikilos ang aking katawan. Isang matandang pulubi ang kumupkop sa akin. Ang tanging ipinapakain niya sa akin ay isang pandesal na hinihingi lang daw niya.”

Inilarawan ng anak ang hitsura ng pulubing nag-alaga sa kanya. Kinilabutan si Aling Letty. Iyon ang kinaaasaran niyang pulubi! Kung itinuloy niya ang paglalagay ng lason sa pandesal, ang anak niya ang mapapahamak. Tumalab sa kanya ang mantra na ibinubulong ng pulubi: Ang kasamaan ay manatili sa iyo; ang kabutihang ginagawa mo ay bumalik ng sampung beses sa iyo.  Hindi niya itinuloy ang masamang plano. Kaya ang good karma sa pagbibigay niya ng libreng pandesal ay bumalik ang kanyang anak na naglayas. Hindi na kailanman nakita ng mag-ina ang pulubi.

ALING

ALING LETTY

ANAK

ISANG

KAYA

NIYA

PANDESAL

PULUBI

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with